Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Kinakakabahan ako pero nandun pa rin yung chill. Yung tipong parang sanay na akong laging nakakasama siya. Kung sabagay ay lagi ko naman siyang nakakasama. Pwera na lang kapag may OJT ako.
"Saan mo ba ako balak dalhin ha?!"medyo may inis ang pagkakatanong ko sa kanya para sumagot siya.
"Basta!"sagot lang niya na inilingan ko na lang.
Siguro ay nabroken na naman siya dahil doon sa babaeng mahal daw niya. Noon kasing nag-inarte siya at kinaladkad niya ako palabas ng field ay dumiretso siya sa bar, kasama ako. Uminom lang siya doon ng uminom at hindi ako kinakausap. Hanggang sa nalasing siya at nagshare din ng kadramahan sa buhay.
F L A S H B A C K
"Naranasan mo na bang magmahal?"bigla niyang tanong sa hinaba-haba ng oras 'kong nakaupo lang dito sa tabi niya.
"Oo."sagot ko. Lahat naman ng tao ay nararanasan yan. Depende nga lang sa uri ng love na tinutukoy niya.
"Eh, masaktan?"
"Oo."siguro problema sa pag-ibig ang drinadrama niya ngayon. Hsst! "Ano ba kasing problema mo? Makikinig naman ako kung magsasalita ka."
"Bakit ganun? Hindi naman ako nagkulang na iparamdam sa kanya na mahal ko siya. Halos araw-araw akong nag-aalala sa kanya pero napakamanhid niya. Hindi niya ako napapansin. Hindi ba ako kaibig-ibig? Hindi ba ako karapat-dapat sa kanya?"dama ko ang lungkot sa kanyang boses.
Hindi ko alam kung bakit. Pero nalulungkot ako sa kanya. Siguro ay hindi lang ako sanay sa pinapakita niyang ugali ngayon.
Tumingin siya sakin tsaka ngumuti.
"Sana sayo na lang ako mahulog."huli niyang wika bago pumikit dala ng kalasingan.
E N D O F F L A S H B A C K
"KATRYN!"
"Ay! Mahal!"napatakip ako sa bibig ko dahil sa salitang lumabas. Ano ba yan! Bakit ba lagi na lang akong nadudulas?!
"Your my student. Don't fall to your handsome teacher."pagmamataas niya na inilingan ko na lang.
Minsan may pagkaGGSS din 'tong Axl na 'to. Psh!
"Saan mo ba ako dadalhin ha?"pang-iiba ko sa topic.
"Basta. Wala ka namang pasok bukas kaya hihiramin muna kita."tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya.
Gamit ba ako para hiramin? Ba'ka nakakalimutan nitong may mga bata akong kasama sa bahay at hindi ako pwedeng umalis na lang basta-basta. Isa pa, hindi porket sinabi 'kong pwede siyang mag-open up sakin ay lagi-lagi na lang niyang gagawin.
"May mga kasama po akong bata sa bahay. Ba'ka naman pwede niyo po akong pauwiin bago maggabi."
"Hsst! Okay! Okay! Wag ka ng maingay pa."sagot niya at mukhang naiinis pa siya sa paraan ng pagkakasabi niya.
Pinilig ko na lang ang ulo at hindi na sumagot pa sa kanya.
- - ---
Pagkatapos ng napakahaba naming oras sa pagbyabyahe ay nakarating din kami sa distinasyon namin. Yun nga lang ay sa isang police station din ito na medyo malayo-layo sa amin.
"Bakit tayo nandito?"tanong ko habang ginagala ang paningin ko sa labas.
"Bumaba ka na lang."napailing na lang ako sa isipan ko dahil sa sinagot niya.
Minsan, nakakabwisit din 'tong kausap eh! Kaya imbis na magtantrums pa ako ay bumaba na lang ako para wala ng away pa.
"Sumunod ka sakin."napairap ako dahil sa pagiging bossy niya. Sa simpleng salita niya ay napapasunod niya ako. Tapos ako naman 'tong si tanga na sumusunod din. Psh!
"Anong gaga----"
"His the man who hit your grandma."putol niya sa sasabihin ko.
Hindi ko alam kung tama ba talaga yung narinig ko o nagjojoke lang siya. Ngunit sa sandaling tumingin ako sa lalaking nakaupo sa silya na tinutukoy ay nagsimula ng maglaglagan ang aking mga luha. Gusto ko siyang sugudin at pagsusuntukin pero hindi ko magawa. Para akong nawalan ng lakas ng loob sa mga sandaling naiisip ko si lola.
Napatingala ako kay Axl ng maramdaman ko ang pagpatong niya ng kanyang sa aking balikat. Walang sabi-sabi niya akong hinila at dinaluhan ng yakap.
"Sssssh~ it's okay."pagpapakalma niya ngunit hindi ko magawang tumigil sa pag-iyak.
"La...."
"Ssssh~"
Imbis na sugudin ko yung lalaki at pagsasampalin ay mas pinili ko na lang ang lumabas at bumalik sa sasakyan niya. Masakit para sakin ang nangyari pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko dahil natatakot akong mang-iba ang paningin ko. Natatakot akong mapangunahan ng galit. Minsan ko ng nakita ang resulta kapag nagagalit ako kaya ayaw ko ng maulit pa.
"Uwi na lang tayo."wika ko sa kanya ng makapasok siya sa loob ng kotse. Ngunit nagulat ako ng bigla niya akong hilain at ikulong sa kanyang mga bisig.
Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisnge at ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Dama ko din ang pagkakilig ng aking tiyan. Yung tipong, parang may paru-paro dito na nagliliparan.
Minsan ko ng naramdaman ang pakiramdam na 'to at sana ay mali lang lahat ng mga inisip ko. Hindi naman sana. Wag naman sana akong mahulog sa teacher ko.
---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
AcciónWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)