"Ate-te-te-te..."
"Gising-sing-sing."
"Ate-te-te-te..."
Tila ba may mga anghel na bumubulong sakin. May mga imahe din akong nakikita pero ang ang blurred.
"Ateee..."napamulat ako ng mata ng may yumugyog sa katawan ko. "Gising na si ate!!"sigaw ni Mae.
Umupo ako sa pinaghigaan ko at napasapo na lang ng noo. Ang sakit kasi ng ulo ko. Parang nauntog na ano. Basta masakit.
"Hahahaha! Gising na si Katryn."tumatawang wika naman ni Bernadeth sakin kaya kinunutan ko siya ng noo.
"Ano bang nangyari?"tanong ko sa kanya at iginala ko ang paningin ko.
Nasa isang kwarto ako habang ang inuupuan ko ngayon ay isang hospital bed.
"Nahimatay ka lang naman ng malaman mong buntis ang pinsan mo."natatawa ding wika ni Mark sakin. Kaya kinunutan ko siya ng noo dahil ang saya-saya nila.
Pero biglang nanlaki ang mga mata ko ng magsink in sa utak ko ang simabi niya.
"BUNTIS KA?!!!!!"napatakip si Bernadeth sa tenga niya dahil sa pagsigaw ko.
"Oo, buntis nga."sagot naman ni Mark. "At ako ang ama."
"Ikaw?!!!"turo ko sa kanya. Hindi maaari! "Bernadeth!!! Bakit si Mark ang ama?! Hindi ka man lang pumili ng mas maayos na lalaki. Yung hindi playboy na manyak! Yung siguradong mamahalin ka din niya pabalik! Nagpabuntis ka na nga lang bakit kay Mark pa!!!"
"Aray! Ang sakit naman nu'n, Insan. Ayaw mo ba ako para sa pinsan mo? Pogi naman ako. Gwapo din. Tapos handsome pa."sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.
"Wag mo nga akong mainsan-insan diyan! Ba't mo binuntis ang pinsan ko?! Hindi pa nga yan nakakagruduate! Paano na lang ang future niya? Ang magiging future ng pamangkin ko? Ha?! Ha?! Paano?!!"
Kung kanina si Bernadeth ang nagtakip ng mukha, ngayon naman ay si Mark na.
"Insan, kalma lang. Mahal ako ni Mark. Nagbago na siya maniwala ka."tumango-tango si Mark habang simasabi iyon ng pinsan ko kaya inirapa ko siya.
"Ano ba naman yan, Bernadeth. Bakit ka ba naman nagpabuntis agad sa kanya? Jusko!"
"Insan, maging happy ka na lang dahil magkakaroon ka na ng pamangkin."
"Tama-tama."segunda ni Mark kaya kahit na ayaw ko siya para sa pinsan ko wala akong magagawa. Doon kasi masaya di Bernadeth kaya susuportahan ko na lang. Tutal sinuportahan din naman niya ako noong nagmahal ako.
"Subukan mo lang saktan ang pinsan ko, Mark. Ako ang babaril sayo."banta ko sa kanya at napataas naman siya ng kamay.
"Hinding-hindi ko siya sasakyan---este sasakyan."
Umiling na lang ako dahil sa mga kalokohang pinaggagawa ng lalaking 'to. Nakakabwisit din siya minsan eh, ay hindi pala. Madalas pala siyang nakakabwisit.
"Tara na nga lang sa kwarto ni April ba'ka gising na yun."yaya ko sa kanila na siyang tinanguan naman nila.
Sabay kaming lumabas ni Mae at sabay din na lumabas si Mark at Bernadeth.
Sa mga ngiti ngayon ng pinsan ko, pakiramdam ko nabawasan ang mga problema ko. Ngayon ko lang kasi siya nakitang masaya. Iba yung mga ngiti niya ngayon kumpara noon. Ganun talaga siguro ang pakiramdam ng taong malapit ng maging ina.
"Hi, Kat."bati sakin ni Blake pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ni April.
"Hmm? Hello."nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya pabalik kahit na ang awkward sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
ActionWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)