MTP#5:Check Point

5.2K 96 0
                                    

Kanina pa kami check ng check sa mga sasakyan na lumalabas at pumapasok pero wala talaga kaming mahanap na bomba. Hsst! Kung nanggogood time lang yung nagsend ng email kay Chief malalagot sakin yun. Nakakasar eh! Tirik na tirik ang araw tapos nakababad kami dito. Psh!

"Katryn, sumilong ka muna."wika sakin ni Mark habang prenteng nakaupo sa monoblocs.

"Mamaya na lang. May trabaho pa. Sige na, may paparating na sasakyan."tugon ko sa kanya tsaka ako naglakad papunta sa may sign na check point.

Pinara ng mga kasamahan ko yung saaakyan at ako naman ang lumapit para makausap yung driver.

"Sir, may check point po. I-che-check lang po sana namin. Ang sasakyan niyo dahil may bomb threat kaming natanggap."wika ko sa driver.

Ibinaba ng driver ang shades niya at talagang nakakapagpanganga sa sobrang gwapo ng mukha niya. Ghad! This is fudgebar with toppings.

"Laway."

Napabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi niya. Kinakapa-kapa ko din ang bibig ko kung may laway,  pero wala naman. Tsk! Badtrip talaga 'tong lalaking 'to.

Bahagya siyang natawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bwisit ka talagang lalaki ka! Tsk! 'Kala mo naman gwapo!"usal ko sa kanya pero mas lalo lang lumakas ang tawa niya. Pati yung lalaking nasa passenger seat ay nakikitawa na rin. Tsk!

"May check point at ichecheck namin yang kotse mo. Ba'ka terorista ka. Hmm!"pagtataray ko sa kanya.

Hindi ako nagsimba ngayon kaya masusungit talaga sakin 'tong lalaking 'to. Gwapo nga hindi naman gentleman. Tsk!

"We're not terrorist, Miss. Tsaka ang gwapo naman namin kung terorista kami."singit ng lalaking nasa passenger seat.

Hindi naman siya ang kinakausap ko pero sumasagot. Tsk!

"Sorry, Mister! Kailangan talagang macheck ang sasakyan niyo."wika ko sa kanya at konting push na lang iirapan ko na din 'yung lalaking singit. Tsk! "Hey, guys, check the compartment."utos ko sa nga kasamahan ko na agad naman nilang sinaluduhan.

Bumama naman si...? Hindi ko alam ang name basta yun lalaking hindi gentleman! Pati yung isang nasa passenger seat ay bumama na din.

Pumasok naman ako dito sa driver seat at cheneck ang loob. Mahirap na ba'ka siningit lang nila dito sa gilid ng upuan yung bomba. Isa pa ay hindi mapagkakatiwalaan ang mukha nu'ng lalaking yun. Hindi porket gwapo siya ay magpapaniwala na ako sa mukha niya. Psh!

Tumingin ako sa likod at isang babaeng nakataas ang kilay ang bumungad sakin. Kung hindi ako nagkakamali ay mga highschool pa lang ito or college freshmen. Basta ang bata palang kasi ng itsura niya pero nakakapangilabot ang dating niya.

"What do you think are doing?"tanong niya na nagpatayo sa balahibo ko.

"C-check point."kinakahabang sagot ko sa kanya.

Fudge! Bakit ba ako natatakot sa kanya? Eh, mas matanda naman ako kaysa sa batang 'to.

"Hey, AR. Wag mo namang takutin ang future wife ko."

Parang lahat ng dugo ko ay nalipat sa mukha ko. Feeling ko ay nag-iinit na din ang buong pisnge ko dahil sa sinabi ng lalaking walang modo.

"As if care, Ace?"mataray niyang wika kay Walang Modo.

Ace pala ang pangalan niya. Alas sa tagalog. Tsk! Ang pangit. Siguro sugarol ang nanay niya kaya part ng playing cards ang pinangalan sa kanya. Pfft!

"Are you already inlove with me?"ngising tanong nitong Ace na 'to na nakapag-duhh look sakin.

Iba din ang hangin nito. Masyadong malakas at hindi ko matake. Tsk!

"Talaga ba?"sarkastiko 'kong wika pero kinindatan lang ako ng gago.

Yuckkk! Nakakadiri talaga. Psh!

"Katryn, palusutin mo na sila. Clear naman ang sasakyan nila, eh."wika sakin ni Mark at doon ko lang naalala na masyado na palang maraming oras ang nasayang ko sa kanila. Tsaka madami na ding sasakyan ang nakapila sa likod nila. Hsst! Di ko man kang namalayan.

"Sige na tsupe na kayo!"pagpapalayas ko sa kanila pero nagpout lang si Ace sakin. Feeling close talaga 'tong lalaking 'to eh.

"Pagtapos mo kaming pababain yan lang ang sasabihin mo?"hindi makapaniwala niyang wika sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay kasabay ng paglapit niya sakin. Napaatras ako pero isang atras lang dahil pintuan na ng kotse nila ang nasa likod ko.

"I'll gonna steal one kiss from you."wika niya sabay halik sakin ng mabilis at agad-agad siyang sumakay sa sasakyan nila.

What the?!!!

Napahawak na lang ako sa bibig ko kasabay ng pag-alis ng sasakyan nila. Para akong nabingi sa nangyari at ang tanging nasesense ko na lang ay ang ginawa ng walang hiyang lalaking yun!!!!

The HELL!!!!! FIRST KO YUNNNNN!!!

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon