MTP#42:After

2.9K 35 8
                                    

Sa nakalipas na apat na taon ay napakadami ng nagbago. Si Bernadeth ay nakapag-asawa na siya. Syempre kailangan siyang panagutan ni Mark kahit ganun ang nangyari sa kanila.  Yung pamilya ko naman ay nakakaahon na sa matinding hirap. May sarili na kaming bahay na tinitirhan ngayon, maayos na damit, at nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Minsan nga ay lima pa. Tapos yung pulis na kinuha ko ay naglevel up na. Nang masolve ko na kasi ang nangyari noon sa mga magulang namin ay unti-unti na rin akong umaalis bilang isang pulis. Mas gusto ko ng maging attorney, dahil mas marami akong matutulong na inaapi kapag nag-attorney ako. Sa kabutihang palad ay nakapasa naman ako at ngayon ay isa na akong ganap na attorney. Ang saya diba?

Pero kahit na puro magaganda ang nangyayari samin ay hindi ko pa rin maiwasang hindi  malungkot. Kahit anong pilit ko kasi na wag silang isipin ay di ko magawa. Pasalamat na lang ako minsan dahil kapag nakakasama ko si Blake ay nakakalimutan ko sila. He always making me happy everytime that I felt hopeless and sad. Masaya ako dahil nandito lagi si Blake na pumupuna sa mga bagay-bagay na di ko mafulfill ng maayos. And what really makes me happy? Is our new angel who came in ourleaves and gave color to it.

"Hi, lola, mama, papa, tito, tita, ito na po si Bhernel. Ang laki na niya diba?"sabay tingin ko kay Bhernel na buhat-buhat ni Blake.
Nasa sementeryo kami ngayon dahil dadalawin namin sila.

"Oo nga po. Ang bigat niya pa."segunda ni Blake na ikinatuwa ko dahil sinimangutan siya ni Bhernel.

"Bukas na po ang birthday ng apo niyo. Nakagawain na din po kasi namin na ipinupunta dito si Bhernel isang araw bago ang birthday niya. Paano po ba yan, tatlong taon na po ang apo niyo. Ang cute at ang bibo niya. Manang mana sa mama niya."pagmamayabang ko kay lola.

Kung buhay pa siguro si lola sigurado akong matutuwa iyon dahil may apo na siya sa tuhod.

"Anong mana sa mama. Hindi ah!  Mana kaya sakin si Bhernel. Diba baby? Mana ka kay papa."

Umiling si Bhernel sa kanya kaya napasimangot si Blake.

"No, papa. Mana po ako kay mama."deretsong wika ng bata tsaka siya nagpabuhat sakin.

Kinuha ko naman siya mula kay Blake na salubong na ang dalawang kilay dahil sa sinabi ni Bhernel.

"Hi, mga lola at lolo!"hyper nitong bati sa mga puntod nila at kumaway-kaway pa.

Napakadaldal talaga ng batang 'to. Kung sabagay, hindi na ako magtataka pa dahil araw-araw siyang dinadaldal ni Bernadeth. Tsk! Yung babaeng yun talaga, ginawa niya pangdaldalera si Bhernel namin. Psh!

"Mama, sa tingin mo po. Kung buhay po sila lola sino po sa atin ang mas maganda?"tanong niya na inilingan ko na lang.

Ang bata-bata niya pa pero may pagkahangin na. Di na rin ako magtataka dahil laging nakabuntot sa kanya si Mark na ubod ng hangin. Buti nga at nabawas-bawasan na yun ng kaunti noong magpakasal sila ni Bernadeth. Hsst! Ang saya na nila ngayon at masaya ako dahil doon.

"Tara na. Umuwi na tayo. Ba'ka naghahanap na yung pinsan mong napakadaldal."yaya ni Blake na tinawanan ko na lang.

Iritang-irita kasi 'tong lalaking 'to kapag nakakasama niya si Bernadeth. Masyado daw kasing masakit sa tenga ang pinsan ko. Kawawa naman siya.

"Sige na nga. Tutal magtatanghali na din."sagot ko kay Blake at nagpaalam na kami sa puntod ng pamilya ko.

Todo ngiti lang ako dahil sa ganda ng araw ko. Yung simoy ng hangin at yung good vibes na nararamdaman ko ay nakakarelax ng loob. Pakiramdaman ko, ito na ang pinakamasayang pangyayari sa buong buhay ko.

Syempre, ang sarap kaya sa feeling kapag may natutulungan kang tao. Minsan namamangha na din ako sa sarili ko at hindi ko maiwasang hindi puriin. 'No ba yan! Mukhang pati ako nagagaya na din kay Mark.

Pagkarating namin sa bahay nila Bernadeth at Mark ay ugagang-ugaga ang mga maid. Para silang mga uod na binudburan ng asin dahil hindi sila mapakali sa kakalakad.

"Ma'am!"bati sakin ni Manang Marta na siyang yaya nila Bernadeth.

"Bakit po? Ugagang-ugaga kayo."tanong ko sa kanya tsaka ako tumingin sa paligid namin na busy'ng-busy ang mga tao.

"Ma'am, kasi------"naputol ang sasabihin ni manang ng sumingit si Bernadeth.

"Anak koooo!! Saan ka ba nagpunta, anak?!"alalang wika ni Bernadeth tsaka inagaw si Bhernel kay Blake.

Niyakap niya si Bhernel habang may pag-aalala sa kanyang mukha. Para namang kinidnap ang anak tsk! 'Tong babaeng 'to talaga napaka-OA.

"Kayong dalawa!! Kinidnap niyo na naman ang anak ko! Gumawa na nga kayo ng sarili niyong baby!"singhal ng pinsan ko sa harapan namin.

Hindi ko alam kung anong irereact ko. Matatawa ba O Maiilang? Ang epek kasi ng pagmumukha ni Bernadeth.

Tumingin ako kay Blake at ganun din siya. In the end ay sabay kaming humagalpak ng tawa.

"Hahahahahhaa!!!!"

"Hmm! Mga abnormal talaga kayong dalawa! Tsk!"singhal niya tsaka kami tinalikuran. Natatawa na lang si Bhernel dahil sa inakto ng ina niya.

Napailing na lang ako ng makaalis na ang pinsan ko. Kahit kailan talaga ay napakaano ni Insan. Pero bilib din ako sa kanya dahil mahal na mahal niya ang anak niya. Ni ayaw ngang padapuan sa lamok eh.

"So, what will we do now?"napakunot noo akong tumingin kay Blake dahil sa sinabi niya.

"Anong what will we do-what will we do ang pinagsasabi mo?"

Ngumisi siya sakin na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Damn Heart! Ano na naman ba 'to?!

Lumapit si Blake sakin kaya naman napaatras ako. Yung mga ngisi niya ay hindi pa rin natatanggal. Kinakabahan na ako. Ba'ka mamaya ay may gawin pa 'tong hindi maganda. Tsk!

"H-hoy lumayo ka nga!"singhal ko pero di ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa paglapit hanggang sa maramdaman ko na ang malapad na pinto sa likuran ko. "H-hoy! Lalayo ka o ano?!"

"O ano?"nang-aasar niyang wika na ikinasimangot ko. "Tara, gumawa na tayo ng baby."napalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

Anong baby?!!!

"Baby mo mukha mo!"

"Syempre sakin galing yung sperm cell kaya magiging kamukha ko yung baby natin."

Pakiramdam ko ay napakapula na ng pisnge ko dahil sa mga sinasabi niya. Ako ang nahihiya sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Aisssh! Ako ba pinagloloko mo?!"inis 'kong baling sa kanya at tsaka ko siya tinulak ng pagkalakas-lakas.

Pero isang malutong na tawa ang pinakawalan niya ng makalayo siya sakin.

"Hahahahhaha!!! Your face was so effect!! Hahahhaa!"binato ko sa kanya yung hawak 'kong sling bag dahil sa pang-aasar niya.

Kahit kilan talaga ay napakawalang kwenta ng lalaking 'to. Ang lakas mang-asar at nakakabwisit!

"Tawa ka diyan! Tawa!"inis 'kong wika sakanya tsaka ko siya inirapan bago lumabas sa bahay nila Bernadeth at dumiretso sa loob ng kotse ko.

Bahala siya diyan. Tsk! Doon siya masaya eh. Pagbigyan na ba'ka mamamatay na yun bukas. Pwew! Ang sama ng iniisip ko. Pero nakakabwisit talaga yung lalaking yun. But somehow, I'm still thankful kasi lagi siyang nandiyan. He never left me noong nagkaproblema ako. Sa tuwing stress at kailangan ko ng masasandalan ay lagi siyang nandiyan. Lagi niya akong dinadamayan sa kahit na anong problema. And he never forget to cheer me up.

Siguro kung hindi lang siya nagkagirlfriend noon ba'ka hanggang ngayon ay crush na crush ko pa rin siya. At ba'ka hindi ko rin nakilala yung taong laging napapanikip sa dibdib ko. Yung taong laging sinasaktan ang puso ko.

Bumuntong hininga na lang ako dahil doon. Kung nakikita ko lang ang future ko ba'ka hanggang ngayon ay masaya pa rin ako. Wala siguro akong iniisip na problema. Sigh.

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon