MTP#31:Reunion

3.1K 56 3
                                    

Muli akong napabuntong hininga dahil sa stress sa paghahanap ng damit na isusuot. Wala akong maisuot na maayos eh. Lagi na lang renireject ni Axl. Hsst! Talagang hindi siya nagbibiro noong sinabi niyang girlfriend na niya ako. Ako naman si inlababo ay napa-oo  na lang. Tsk! Naisahan niya ako dun ah.

Pinilig ko na lang ang aking ulo para wag ng balikan pa ang nangyari noong nakaraang linggo.

Muli akong kumuha ng panibagong dress at nagpalit ulit. This time, kulay orange naman ang trinay ko. Paekis-ekis ang design niya sa likod pero sa harapan ay maayos naman. Maganda siya at sana okay na 'to sa kanya.

"Ito, okay na ba?"tanong ko pagkalabas ko sa fitting room. Ang arte-arte kasi. Pwede naman yung mga dress ko sa bahay pero ayaw niya. Hindi ko daw bagay. Tsk! Palusot lang siya. Isa pa, reunion lang naman ang pupuntahan namin.

"Ikot."wika niya at umikot naman ako. Pagharap ko sa kanya ay masama na ang tingin na binigay sakin. "I don't like that dress. I won't let anyone see your back. Change it."yan na naman siya. Ayaw na naman niya.

Napairap na lang akong pumasok sa loob ng fitting room at muling nagpalit. Hindi lang sampung beses akong nagpalit. Tsk! Nakakapagod kaya ang palit ng palit.

Muli 'kong sinuot yung binigay ng saleslady kanina. Hindi na akong nag-abala pang tignan ang style, basta suot na lang. Tapos labas.

Paglabas ko ay isang masamang tingin ang natanggap ko sa kanya. Kaya tinignan ko yung suot ko at halos manlumo ako sa hiya dahil sa nasuot 'kong damit.

"Palit."yan lang ang sinabi niya kaya agad-agad akong pumasok sa loob.

Labas kasi ang kaluluwa yung dress na yun. Sayang ang ganda pa naman pero lumalabas clevage eh.

"Hsst! Bakit ba ang arte-arte mo!"bulong ko sa sarili ko patukoy kay Axl. Psh!

Hinablot ko mula sa sampayan yung isang long sleeve na dress na kulay dark green tapos may top cout siyang black. May kwelyo pa siya and I found it cute.

Sinuot ko iyon kaso nga lang de-zipper yung likod. Di ko masara hanggang taas. Linabas ko ang ulo ko sa fitting room para sana tawagin yung saleslady at tulungan ako. Kaso nga lang wala na yung nagbabantay dito kanina.

Lumipad ang tingin ko kay Axl na nakakunot ang noo sakin bago siya tumayo at lumapit.

"Can I look your dress?"tanong niya na inilingan ko. "Why? Don't tell me, labas na naman ang----"bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay pinutol ko na.

"Hindi no! Hindi ko lang maabot yung zipper kaya magpapatulong sana ako sa saleslady. Kaso wala siya."

"Then I'll help you."agad-agad niyang sagot at pinaluwagan ang butas ng pinto.

Walang sabi-sabi siyang pumasok at pinaharap ako sa salamin.

"You look gorgeous, baby."bulong niya na talagang nagpatayo sa mga balahibo ko.

Nakakakiliti sa tenga ang mga sinabi niya. Damn!

Sinara niya ang zipper at ng matapos ay pinaharap niya ako sa kanya.

"Kahit kilan hinding-hindi ako magsasawang mahalin ang isang katulad mo. I'm so lucky that I have you. I love you, Katryn."tsaka ako hinalikan sa noo.

Napangiti na lang ako dahil sa kilig na nararamdaman ko.

"I love you more."balik ko sa kanya at nginitian naman niya ako.

"Okay na 'to. Tanggalin mo na at babayaran na natin."wika niya na siyang itinango ko naman.

"Pakibaba ulit yung zipper."naramdaman ko  ang pagunzip niya sa dress pero nagulat ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa mismong likod ko. Nakalapat sa mismong balat ko.

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon