MTP#33:Will you?

3K 52 5
                                    

Ilang minuto na lang at magmamartsa na kami patungo sa harapan. Itong araw na 'to ang pinakaaabangan naming lahat na mga estudyante. Matagal din kaming nag-asam na makapagtapos na at ngayon ito na.

"Are you ready?"tanong sakin ni Axl. Gusto daw niya kasi akong makasama sa pagmartsa kaya ayan. Pinagbigyan siya ni Bernadeth. Tutal wala naman na kaming mga guardian at siya na lang talaga ang makakasama ko.

"Excited na nga ako eh."sagot ko sa kanya na tinawanan naman niya.

"Arrange your line we will start  about five minutes."wika ng guro  kaya nagsiayusan naman na kami sa aming mga pwesto.

Ilang minuto lang ang pinaghintay namin at nagsimula na silang patugtugin ang kanya sa pangmartsa namin. Halos lahat ng estudyanteng makita ko ay nakangiti ngayon.

Umupo kami sa mga sarili-sarili naming upuan samantalang yung mga parents and guardian naman na kasama namin ay naupo sa likod. Doon kasi ang pwesto nila.

"Let us all stand for our openning program. Let us sing our National Anthem led by our respectful teacher. Doc.Jhun Balbuena."wika ng emcee na isa rin sa mga professor namin.

Nagsitayuan  naman kami para masimulan na ang pagkanta ng lupang hinirang. Nang matapos ay nagpray pa sila hanggang sa paupuin na nila kami.

Nagbigay ng speech yung head ng school tapos yung napiling doctoral. Nang matapos ay sumunod naman yung magna cumlaude.

"Let us all give a round of applause for Mary Katryn Gonzalvo."nangtawagin niya ang pangalan ko ay tumayo na ako.

Ako daw kasi ang magbibigay ng speech. Magna daw eh. Hehehe!

Pagkarating ko sa harapan ay nalula ako sa dami ng tao. Lahat sila ay nasa akin ang atensyon. Nakakakaba tuloy. Nakita ko ang pagtumbs up ni Axl ng kamay kaya nawala ang kaba ko at napalitan iyon ng ngiti.

Alam ko namang gumagana yung mic pero check ko pa rin. Halos lahat naman ng nag-e-speech ay ganun ang ginagawa kaya nakigaya na din ako.

"A blessed morning to all of us."panimula pa lang yan pero inaatake na naman ako ng kaba.

Akala ko madali lang ang magspeech pero hindi pala. Hsst! Sari-saring damdamin ang nararamdaman ko habang nagsasalita sa harapan nilang lahat. Minsan ay napapatawa sila sa sinasabi ko at minsan din ay napapapalakpak sila.

Nang matapos akong magsalita ay nagsitayuan sila at nagsipalakpakan. Feeling ko tuloy proud na proud sila sakin.

"Maraming salamat, Ms.Gonzalvo."wika ng emcee ng bumalik siya sa pwesto niya.

____ ___ _ __ _ __
Dalawang oras ang itinagal ng aming seremonya at ngayon ay nandito kami sa isang resto na renentahan ni Axl. Actually, hindi ko alam ito tsaka ko lang nalaman noong nandito na kami kaya hindi na ako nakaangal pa sa kanya.

"Congrats, Kat."bati sakin ni Rylee. Nandito pala siya. Masaya akong makita siya ulit.

"Salamat. Ikaw, sa March ka na gragraduate ng highschool noh?"tanong ko sa kanya na tinawanan lang niya. Minsan may pagkasabog din 'tong babaeng 'to.

"Kamusta na pala kayo ni Ace? Nalaman 'kong kayo na pala isang buwan na. Naku, kung hindi lang nadulas si Ked ba'ka hanggang ngayon ay hindi ko pa alam na kayo na."nakangito niyang wika sakin.

Ramdam ko naman na masaya siya para sa amin pero nakakailang lang. Siya kasi yung first love ako naman yung girlfriend. Hsst!

"Ah. Hahaha.. ganun ba?"awkward kong sagot sa kanya. Tumango-tango naman siya habang nakasimangot.

"Alam mo, simula noong naging kayo ni Axl lagi ko na siyang nakikitang masaya. Minsan nga nagmumukha na siyang baliw dahil tumatawa siya sa isang tabi. Hahaha! Maraming salamat."napatingin ako sa kanya ng magpasalamat siya. Ganun din siya. "Maraming salamat dahil ikaw ang taong nagbalik ng pagmamahal niya. Ikaw yung taong tumanggap sa kanya ng buksan ang mga kamay. Maraming salamat, Katryn. Sana kung ano man ang malalaman mo sa kanya ay mamahalin mo pa rin siya. He deserve to be love. He's kind and good man. Kaya sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa kanya."

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon