MTP#10:Her Story

4.5K 81 14
                                    

MARY KATRYN POV

"L-lola....."paulit-ulit 'kong bulong habang nakayakap sa kabaong niya.


Huling araw na ngayon ni lola at hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.



Si Bernadeth at yung dalawa pa naming pinsan na maliliit ay todo iyak din sa likod ko. Bakit ba naman kasi ang agang lumisan ni lola. Ang babata pa ng dalawa naming pinsan.



"Lola....."bulong ko ulit.



Wala na akong pakiaalam sa kung anong itsura ko ngayon. Wala akong pakialam kung tulo sipon na ako. Sobrang sakit kasi ng nararamdaman ko at hindi nila ako mapipigilan kung gusto 'kong umiyak.



"Katryn.."tawag ni Axl sa pangalan ko.



Nakilibing din pala siya.



Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko at pilit na pinapatahan. Kinakalas niya din ang kamay ko mula sa pagkakayakap ko sa kabaong.



"Sssssh~ tama na..."



"La..."mas lalo akong napaiyak ng ilayo niya ako sa kabaong ng lola ko. Tapos yung mga lalaki na nag-aasikaso sa burol ay sinimulan na nilang ibaba si lola sa hukay.



"Laaaaa!!!"pagpupumiglas ko pero masyadong mahigpit ang pagkakayapos sakin ni Axl.



Damn! Bakit ba niya ako pinipigilan. Lola ko yun ko eh!



"Bitiwan mo ako!"singhal ko sa kanya at pilit na inaalis ang pagkakayakap niya sakin pero hindi ko magawa. Masyado na akong nanghihina at hindi alam kung anong gagawin ko makaalis dito sa mga bisig niya.


"Tama na... Tahan na Katryn..."


############
Axl Ace Samonte POV



I've never seen a girl crying out loud. Si Katryn lang talaga ang kauna-unahang babaeng nakita ko na kung umiyak ay wagas.



Tapos na ang libing ng lola niya pero hindi pa rin siya umuuwi. Yung mga pinsan niya ay hinatid ko na rin kanina para mapagpahinga sila. Tapos bumalik lang ako dito para tignan siya.


I don't know why I'd become like this. Katryn is not my type. Definitely NO! Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto ko, lagi ko siyang nakikita at nakakatabi. Damn!



Sa iisang tao lang naman ako baliw. Isang taong sobrang manhid lang kaya imposibleng may gusto ako sa babaeng yan. Tanging ang baby AR ko lang ang tinitibok ng puso ko at ang ginagawa ko ngayon kay Katryn ay purong concern lang. After all hindi pa naman ako nakakapagsorry sa mga nagawa ko sa kanya dati. Hsst!



############
Bernadeth POV




Magtatakip silim na pero wala pa ang magaling kong pinsan. Nasan na ba yun?



*beep* *beep*



Napatakbo ako sa labas ng marinig ko ang busina na iyon. Siguro sila kuya Axl na yun. Kuya kasi yun ang sinabi niyang itawag namin sa kanya. Maganda naman kung kuya tapos magiging ate naman namin si Katryn. Ayeeee! Bagay sila.




Mas lalo akong napangiti ng pagkalawak-lawak ng makitang 'kong binuhat niya si Insan ng bridal style.



"Saan ang kwarto niya?"tanong niya na ikinangisi ko.



"Diyan o sa unang pinto."tapos tinuro ko yung kwarto ni Insan.



Naglakad naman yung prince charming ni Insan patungo doon.   Samantalang ako naman ay pumunta sa kusina para bigyan ng tubig si kuya Axl. Ang wierd talaga ng pangalan niya. Walang 'e' yung Axl niya. Hmm! Hayaan na nga! Pogi naman siya. Hehehe!



"Kuya, inom ka muna."sabay aboy ko sa kanya ng tubig.



"Salamat."



"Salamat din po sa paghatid mo sa pinsan ko. Buti na lang talaga at nandiyan ka para  sa kanya."ngumiti lang ng bahagya si kuya Axl kaya nginitian ko na din siya.



"Kung hindi nakakahiya at nakakaabala pwede ko bang matanong kung nasaan ang mga magulang niyo? Parang wala kasi akong nakita noong burol."



Yung pagkalapad-lapad na ngiti ko ay napalitan ng malungkot at weak na smile.



Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tanong niya.



"Pareho na po kasi kaming ulila ni Katryn. Namatay ang parents namin noong nine years old kami, kuya."



"Aww, sorry."



"Ayos lang po."




Mahirap man tanggapin na maaga kaming nawalan ng magulang ay wala na kaming magagawa pa doon. Yun ang nakaplano sa tadhana namin ni pinsan eh.


Umupo ako sa upuan at nagpatuloy sa pagkwekwento.



"Nang mamatay sila ay kinupkop kami ni lola Niada. Siya ang naging pangalawang magulang namin. Si lola ay nanay ng mga tatay namin ni Katryn. Dadalawa lang kasi ang anak niya kaya ganyan."



"Eh, kaninong anak yung dalawang batang kasama niyo?"


Si April at May siguro ang tinutukoy niya. Sila lang naman kasi yung kasama naming bata eh.



"Mga batang langsangan sila na kinupkop ni lola. Magkapatid ang dalawang yun at si Katryn ang nakakita sa kanila. Kinukumbulsyon kasi noon si April at sakto naman na si Katryn ang napaghingian ng tulong ni May."



Napapangiti ako kapag naaalala ko ang bagay na yun. Yun kasi ang araw na nabokya sa love si Katryn at dahil sa pag-eemote niya ay may natulungan siyang tao.




"Mabait si Katryn pagdating sa mga bata. Kahit pampamasahe na lang ang natitira niyang pera ay ibibigay niya pa rin ito sa namamalimos. Kaya minsan nakakainis siya dahil ako lagi ang sumasagot sa pamasahe."natawa ng bahagya si kuya Axl at ganun din ako.



Totoo naman kasi! Kaya parehas kaming walang naiipon dahil sa ugali ng pinsan ko. Pero yun ang hinahangaan kong ugali niya. Mapagbigay siya.




"Alam mo, maswerte ka sa pinsan ko. Dahil sa dinami-rami ng lalaking iniiwasan niya ikaw ang hindi niya naiwasan. Kaya kung may balak kang ligawan ang pinsan ko, maaasahan mo ang tulong ko."ngitian ko siya at kita ko ang pamumula niya kaya mas lalo akong napangito.


Mukhang may gusto nga ang lalaking 'to sa pinsan ko.

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon