Masaya akong lumabas sa school gate namin, dahil sa wakas ay hayahay na ako sa klase. Tatlong linggo na lang ang bibilangin ko at makakagraduate na ako. Hindi man kami sabay na grumaduate ni Bernadeth pero alam ko din naman na susunod siya. Syempre, kami pa!
Ilang araw na din pala ang nakakalipas magmula nung nahospital ako. Simula ng araw na yun ay palagi na lang ang tambay ni Axl sa bahay. Minsan iniisip ko na din na naghihirapa na siya dahil doon na siya kumakain. Hsst! Buti na lang talaga at matalino ang lola ko.
Noong buhay pa kasi siya ay binayaran na niya ang lahat ng gastusin namin sa school. Binigyan niya din kami ni Bernadeth ng tig-isang savings account. Sabi niya, gamitin na lang daw namin kapag kailangan na kailangan na talaga namin. Kaya ayon. May pangtustos kami sa mga gastusin ngayon. Tsaka pagtapos ko ding makagruduate ay maghahanap na ako ng trabaho. Unti na lang din kasi yung pera namin.
"Hi."biglang bati ng taong kaharap ko ngayon. Walang iba kundi si Blake.
Pansin ko din nitong mga nakaraang araw. Napapadalas ang pagpupunta ni Blake dito sa school.
"Hello."balik ko sa kanya. Nginitian niya ako na nginitian ko din.
"May pupuntahan ka pa ba? Hatid na kita."pag-ooffer niya na agad ko namang inilingan.
"Wag na. May pupuntahan ka pa ata. Sige na mauuna na ako."at aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Hatid na kita. Pleaseee."tsaka siya nagpuppy eyes na talagang nakadagdag naman sa kagwapuhan niya.
Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat.
Sa totoo lang, naninibago ako sa kanya. Ibang-iba na siya doon sa Blake na nakilala ko noon. Yung Blake na nakilala ko ngayon ay mas mabait kaysa sa dating Blake. Hsst! Pero ang pinagtataka ko lang ay ang puso ko. Dati-rati kasi ay bumibilis ang tibok ng puso kapag malapit siya sakin. Pero ngayon, nagpapacute pa siya sa lagay na yan pero wala na akong makapangkabog sa dibdib ko. Hmm....
"Saan ang punta mo?"tanong niya sakin na siyang binalingan ko naman ng tingin.
"Susnduin ko sana sila April at May."
"Aaahh..."tatango-tango wika niyang bigkas. "Saan ang school nila?"
"Sa Ecija Elem. School."agad niyang niliko ang sasakyan niya patungo sa eskwelahan na iyon.
Ilang minuto din ang lumapas bago kami nakarating doon. Sakto papalabas na din sila kaya bumaba na din ako sa sasakyan ni Blake.
"Hi, ate!"masaya nilang salubong sakin tsaka nila ako hinalikan sa pisnge.
"Kamusta ang pag-aaral niyo?"tanong ko sa kanila na agad naman nilang sinagot.
"Okay lang, ate. Nakaperfect po ako kanina sa math."wika ni May.
"Naman sa Science, nakaperfect po ako."si April naman ang sumagot.
"Wow ang gagaling naman ng mga pinsan mo."singit ni Blake na masayang lumapit samin.
"Sino siya, ate?"curious na tamong ni May habang pinagmamasdan niya si Blake ng mabuti.
Umupo naman si Blake para magkapantay sila.
"Ako si Blake. Ikaw?"ngayon lang nalaman na mahilig din sa bata 'tong si Blake.
"Ako po si May, siya naman pa si April."patukoy niya sa taong tinuturo niya.
"Hhmmm.. nice meeting you."ngumiti naman ang dalawa sa kanya.
"Oh siya. Sige na, umuwi na tayo."putol ko sa mga 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/140777845-288-k474272.jpg)
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
AksiyonWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)