MTP#9:Saviour?

4.8K 88 6
                                    

Bernadeth POV

Sa isang maliit na chapel nakaburol ang lola namin. Gusto kasi ni Insan na maging presentable ang magiging huling araw ng pinakamamahal naming lola. And speaking of Insan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya. Magmula kasi kagabi ay hindi pa siya kumakain. Hindi din siya makausap ng matino at lagi siyang tulala habang umiiyak siya.

Hindi ko naman kasi siya masisisi kung ganyan siya. Masyado ng napamahal samin si lola at kung gaano kami kaclose ni lola ay mas close sila. Kaya napakalaking impact nito kay Katryn.

"Kain na."yaya ko sa kanya na inilingan lang niya.

Kahit na gusto 'kong mag-emote sa pagkawala ni lola ay hindi ko magawa. Masyadong marupok ang pinsan ko kaya kailangan 'kong magpakatatag para sa kanya. Kailangan 'kong maging malakas.

"Kung gutom ka ay sumunod ka na lang sakin."wika ko na tinanguhan lang niya.

Tumayo na ako at nagsimula ng umalis ng makita ko yung poging kasama ng pinsan ko. Siya yung bago nilang instructor at kilala ko siya.

"Good evening, sir."bati ko sa instructor nila pinsan tsaka siya nginitian ng bahagya.

Ngumiti naman si Sir na mas lalong nagpapogi sa kanya. Siguro kung wala lang kaming problema ngayon ay i-aasar ko kay Insan si Sir.

"Nakikiramay ako sa pagkawala ng lola niyo."tumango na lang ako kay Sir bilang sagot.

Ayokong magsalita kapag nakakarinig ako ng ganito. Ba'ka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maiyak na lang ng wala sa oras.

"Si Mik---este Mary Katryn?"napataas ang kilay ko sa sinabi ni sir.

May narinig aking Mik eh. Hmm? I smell something ISDA! I evil grin at the back of my mind dahil kay sir. Wahahaha! Maasar nga si Insan kapag maayos na kami. Kapag wala na kaming problema.

"Nandoon po siya, Sir. Sir, kung hindi po nakakahiya ay pwede po bang kumbinsihin niyo po ang pinsan ko na kumain na?"tumango sakin si Sir na nakangiti kaya nginitian ko na din siya bago ako umalis.

Nagugutom na ako at kailangan ko na talagang kumain. Hsst! Kung sino man ang sumagasa sa lola namin malalagot yun kapag nakita ko siya. Psh!

###########
Mary Katryn POV

Hindi ko alam kung paano ulit magsisimula. Ulila na akong lubos at wala na akong magulang. Ang daya naman kasi ni lola. Sabi niya sasamahan niya pa akong maglakad sa graduation ko. Sabi niya sasabitan pa niya ako ng medal. Pero ano to? Wala na siya. Wala na ang lola ko.

"Mik..."pakinig ko tawag niya sakin at hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino iyon. Isang tao lang naman ang tumatawag ng Mik sakin eh.

Umupo siya sa tabi ko at dama ko ang mga titig niya na nakapukol sakin. Dama ko din ang pagbilis ng puso ko. Fudge! Ano naman 'to? Bakit ganito na lang kung magwala ang puso ko?

"Hindi ka pa daw kumakain."malambing niyang wika at aaminin 'kong ang sarap pakinggan ng boses niya. Parang anghel ang nasa tabi ko ngayon. Hsst! Scratch! Scratch! Ano bang pinag-iisip ko

Hindi na lang ako umimik at inisip na wala siya sa tabi ko ngayon. Wala aking katabi.

"Akala ko ba ang lola mo ang nawala? Pero bakit pati dila mo ay nawala na rin."dito na ako napaharap sa kanya.

Bwisit! Kailangan talaga mang-asar? Hindi ba niya nakikitang nagluluksa ako tapos ganito ang sasabihin niya? Tsk!

Inirapan ko siya bago ako tumayo. Bakit ba kasi nandito pa 'to? Dapat pinabanned ko siya para hindi siya makapasok dito. Psh!

Lumabas ako sa chapel at naglakad-lakad muna. Nang makaramdam ako ng pagod ay agad din akong umupo sa bench. Pero pagkaupong-pagkaupo ko ay may naramdaman akong parang nagmamasid sakin. Nilibot ko ang paningin at nakita ko si Axl---este Sir na nakatayo malapit sa pwesto ko.

Naglakad siya palapit sakin at umupo sa tabi ko.

"Bakit ka sumunod?"deretsong tanong ko sa kanya.

Hindi ba niya alam? Kaya nga ako lumabas para maiwasan siya tapos sunod naman siya ng sunod. Hsst!

"Trip ko lang na sundan ka. Kumain ka na."

"Hindi ako gutom."

"Kagabi ka pa hindi kumain."

"Pakialam mo?"

"Katryn."madiin niyang tawag sa pangalan ko. "Ba'ka nakakalimutan mo. Teacher mo pa rin ako."napairap na lang ako sa sinabi niya.

So kung teacher ko siya? Hindi nga siya umaakto na teacher eh. Psh!

"Uuwi na 'ko."wika ko tapos ay tumayo na ako, pero pakinig ko ang pagmumura niya na nakapagtaas sa kilay ko.

"Shit!"

Nasubsob ang mukha ko sa dibdib niya habang nakahawak ang kamay niya sa ulo. Problema nito?

Aalis na sana ako ng marinig ko ang tunog ng isang baril kaya napatili ako ng wala sa oras.

"Damn! Bakit ngayon pa?!"pakinig 'kong bulong niya at hindi ko alam kung anong sinasabi niya.

Nagsisimula na akong kabahan sa mga nangyari at sana naman wala masamang mangyayaring samin ngayon.

Isa pang putok ng baril ang narinig ko at hindi ko alam kung saan tumama iyon.

"Shit!"biglang mura niya at ilang sandali lang ay pinakawalan na niya ako mula sa pagkakayakap niya. "Ayos ka lang?"tanong niya na tinanguhan ko.

Tatanungin ko din sana siya ng may makita akong baril na hawak niya tapos dumudugo pa yung kaliwang braso niya. Hinawakan ko ang braso niya habang nagpapanic na ako.

Ano bang nangyari? Bakit bigla na lang siyang nagkasugat. Damn!

"Dumudugo yang braso mo. Guto mo bang magdalhin na kita sa hospital?"

"No. Daplis lang 'to."

"Pero dumudugo!"singhal ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko! Kawawala lang ng lola ko tapos makakasaksi na naman ako ng barilan chuchu!

"First Aid will be fine."

Hindi na ako nagdalawang isip pa at hinila ko na siya papunta sa bahay namin. Malapait lang namin kasi yun dito sa pinagburulan kay lola.

Pagkadating namin sa bahay ay pinaupo ko muna siya tsaka ko kinuha yung first aid kit namin.

"Pasensya na. Madaming loko-loko dito at mukhang napagtripan ka pa ata."wika ko tsaka ko tinaas ang manggas ng damit niya para magamot ang sugat niya.

"Ayos lang. Buti na lang at hindi ka nasaktan."parang nakakataba ng puso ang sinabi niya. Ang concern naman niya masyado.

"Ako pa inalala mo. Ikaw nga 'tong nadaplisan ng baril."sagot ko sa kanya bago ko nilagyan ng gasa ang sugat niya.

"Salamat."pasasalamat niya na nagpakunot sakin ng noo.

"Ako dapat ang magpasalamat dahil niligtas mo ako."

Ngumiti si Axl na nginitian ko na lang din pabalik. Siguro kung hindi ko lang siya teacher ba'ka pagkakamalan 'kong may gusto siya sakin. Hssst! Ano ba 'tong iniisip ko? Mukhang pagod na ako at kung ano-ano na ang pumapasok sa magulo 'kong utak.

"Magpahinga ka na at uuwi na muna ako sa bahay."tumango ako sa at hinatid ko na siya palabas ng bahay.

Mabuti pa ngang umalis na muna siya para makapag-isip ako ng maayos. Hsst!

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon