MTP#39:Let It Go

2.7K 39 6
                                    

"Ano?! Nagbibiro ka lang, Insan diba. Sabihin mo nagbibiro ka lang."hindi makapaniwalang wika ni Bernadeth sakin. Pero inilingan ko lang siya bilang sagot.

Kwenento ko kasi yung nangyari kanina sa bahay. Yung mga sinabi lang ni Attorney ang sinabi ko. Hindi ko pa sinasabi sa kanya yung nangyari sa amin ni Axl. Ayoko ng dumagdag pa iyon sa iisipan niya. Ba'ka makasama lang kasi yun sa bata.

"Insan.... saan ano ng gagawin natin?"tumingin ako sa kanya at umiiyak na siya kagaya ko.

Pinunasan ko ang pisnge niya tsaka hinagod ang likod niya. Buti na lang at sa canteen ng hospital kami nag-uusap. Kung nagkataon lang na sa kwarto ni April ba'ka nagkaiyak na naman kaming apat doon. Iyakin pa naman yung dalawang yun 'pag dating samin.

"Sssh~ gagawa ako ng paraan. Wag mo ng iisipin masyado yun. Ba'ka makasama lang sa dinadala mo."

"Insan, naman eh! Hayaan mong damayan kita. Hindi ka nag-iisa sa problemang ito. Kasama mo ako, kami. Nandito kami."niyakap ko siya dahil sa sinabi niya.

Buti na lang at may mabait akong pinsan kagaya niya. Merong nagpapalakas ng loob ko.

Humiwalay si Insan sa yakap bago nagsalita.

"Insan, sundin na lang natin yung sinabi ni attorney. Ibenta na lang natin yung mga properties bago pa marimata, para mabayaran natin lahat ng utang ni lola. Yung pinamana sakin  na pera ay ipandadagdag ko na din diyan para mabuo natin yung isang milyon."

"Pero paano yang pagbubuntis mo? Kakailangan mo ng pera."

"Hindi, Insan. Ako na ang bahala dito. Basta ang mahalaga ay makabayad tayo sa utang natin. Ba'ka mamaya mademanda pa nila tayo mas malaking problema iyon."tumango ako sa sinabi niya dahil may point siya.

Kung hindi namin mababayaran yun, kami naman ang idedemanda nila. Problema na naman iyon.

Bumuntong hininga ako tsaka ko pinunasan ang luhang walang sawang tumutulo.

"So lahat ng natitirang yaman sa atin ay pambabayad ko na?"tumango siya bilang pagsang-ayon. "Pero saan tayo titira ngayon? Saan tayo kukuha ng pambayad sa hospital?"

"Tutulong ako. Ako ng bahala sa babayarin at sa titirhan niyo."napalingob ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Blake.

"Bakit ka nandito?"tanong ko.

Iniwan kasi namin siya sa taas para magbantay, pero bakit siya nandito?

"Bibili sana ako ng tubig. Pero di ko sinasadyang marinig ang usapan niyo. Gustuhin ko man na  bayaran ang lahat ng utang niyo ay alam ko naman natatangihan mo ako Katryn. Kaya para makatulong ako sa inyo ay ang gastusin niyo dito at titirhan na lang ang sasagutin ko. Sana naman hayaan mo na akong matulungan ko kaya, Kat?"

Pikit mata akong tumango sa kanya. Kailangan ko ngayon ng tulong dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi na ko na matake ang ganito kadaming problema.

"Salamat, Blake. Maraming salamat. Hayaan mo, kapag nakaluwag-luwag kami ay babayaran din kita."nginitian niya lang ako bago siya dumiretso sa bilihan.

"Insan, tara na sa taas?"yaya ni Bernadeth na siyang tinanguan ko naman.

Habang naglalakad kami patungo sa taas ay may nakita akong isang imahe. Likod pa lang ay kilala ko na.

Yung mga mata 'kong tumahan na kanina ay muli na namang umiyak dahil sa lalaking nakatalikod ngayon. Bakit siya nandito sa hospital? Anong ginagawa niya sa information desk?

"Babe, tara na."biglang wika ni possesive girl at sabay na silang lumabas sa hospital.

"Insan, okay ka lang?"napabalik ako sa diwa ko ng marinig ko ang boses ni Bernadeth.

Pinunasan ko ang luha ko bago tumango sa kanya.

"Tara na."nagpauna na akong maglakad para hindi na siya makatanong pa.

Damn! Ang sakit! Yung puso 'kong normal lang kanina ay bigla na namang nagwala dahil sa nangyari ngayon. Pakiramdam ko ay namatayan ako ng isang buong pamilya dahil sa ginawa niya. Ang sakit! Nakakamatay sa sakit.

______ __ __ ___ _

"Atty. pumapayag na po kami sa gusto niyo. Ibebenta na po namin ang mga ari-arian namin at yung natitirang naming pera sa bangko ay pandadagdag na lang namin para mabuo ang sampung milyon."

"Okay then. Tatawagan ko na ang dalawang tao na handang bumili sa mga ito."tumango ako kay Atty. bilang sagot. Pero bago pa siya makatawag sa telepono niya ay nagsalita na muna ako.

"Maraming-maraming salamt attorney sa pagtulong sa amin. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob."

"Naku, wag na Katryn. Nagbabayad lang naman ako ng utang naloob sa lola mo dahil kami ng pamilya ko ang may utang na loob sa kanya. Kung di dahil sa lola mo ay ba'ka patay na kaming lahat."sagot niya tsaka ako tinapik sa balikat.

Kahit na nangungulahan ako sa mga sinabi ni attorney ay tumabgo-tango na lang ako. Full storage na kasi ang utak ko at hindi na niya kayang magtake pa ng mga impormasyon. Basta bayani ang lola ko. Yan na lang ang iisipin ko.

"Sige na attorney. Mauuna na ako dahil mag-iimpake pa kami."tumango sakin si Attorney kaya lumabas na ako ng bahay nila.

"Pasensya ka na, Kat kung hindi ko kayo matulungan finacially. Naghihirap din kasi kami eh."nginitian ko siya attorney.

"Okay lang po. Malaki na po ang tulong na nagawa niyo."

"Oh siya sige. Mag-iingat kayo. Kung kailangan mo ng tulong ay puntahan mo na lang ako."tumango ako sa kanya bilang sagot at tuluyan na akong lumabas sa bahay nila.

Malamig ang simoy ng hanggang ngayong gabi. Sinasabayan nito ang malamig ko ding damdamin. Buti pa nga ang hangin ay dinadamayan ako sa problema ko. Hsst!

Hanggang kilan kaya matatapos ang lahat ng ito?  Sobra na kasi akong pagod. Gusto ko ng kalimutan ang lahat. Gusto ko ng magpahinga kahit sandali lang. Gusto ko ng bumalik sa normal ang buhay ko. Yung mga panahong inosente pa ako sa lahat ng problemang dumadating. Hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng love. Gusto kong ibalik ang mga panahon na iyon.

---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon