MTP#48:Chasing Went Wrong

3.2K 46 14
                                    

"Ang swerte mo talaga, girl. Buti ka pa may admirer kang fafa at maeffort."bungad sakin ni Zel pagkapasok na pagkapasok ko sa office namin.

"Hmm? Swerte ka diyan? Sayo na nga lang yang bulaklak."sagot ko sa kanya tsaka ko nilagay sa table niya yung buoquet of flower.

"Ayy... ganern? Isang buwan ng nagbibigay ng bulaklak at mga chocolate si fafa Axl pero hanggang ngayon ay bangko pa rin siya sayo. Hsss!"nainilingan ko na lang si Zel dahil sa sinabi niya.

Kung ano-ano mga pinag-iisip nito. Tsk!

"Magtrabaho ka na nga lang."suway ko na tinawanan naman niya.

Alam naman niya kasi na wala akong maicocomment sa mga bagay na pinagsasabi. Nandu'n pa rin kasi ako sa point na nagdadalawang isip. Hindi pa ako tuluyang nakakagawa ng desisyon ko. Hindi pa totally'ng 100% ang naiisip 'kong desisyon.

"Hsst! Bahala ka diyan. Nakay fafa Axl na kaya ang lahat. Ang pogi niya, ang ganda ng katawan, mabait, masipag, mabango, at higit sa lahat ay ang sweet niya. Wala ka ng mahahanap pa na kagaya niya, kaya kung ako sayo ay bibilisan ko na ang pag-iisip. Kasi kapag siya nagsawa alam 'kong magsisisi ka."minake face ko siya dahil sa sinasabi niya.

"Tsk! Kung ano-ano pinagsasabi mo. Magtrabaho ka na. Ayosin mo na yung mana ni Ms.Ramos. Dapat maayos mo yun bago mag-end ang month na 'to."wika ko bago ako nagtungo sa comfort room.

Humarap ako sa salamin at napangiti na lang ng mapakla dahil sa mga sinasabi ni Zel. Kung madali lang sanang gumawa ng desisyon why not? Eh, sa nahihirapan ako eh. Nasaktan kasi ako ng sobra dahil minahal ko siya ng sobra. Kaya kung hindi na niya kayang magtiis ede okay lang. Di ko naman siya pinipilit at the first place.

____ _ ____ __ ____

Dahil sa wala naman na akong gagawin pa ngayon sa office ay lumabas na lang ako. Dumiretso ako sa park para magmuni-muni muna, nang may makita akong babae na umiiyak sa isang swing kaya lumapit ako doon at umupo sa katabi niya.

"Crying says how much you love someone or a thing that has a centemental for you."wika ko na siyang ikinaangat ng mukha niya.

Ang ganda niya. Kung di ako nagkakamali siguro ay college na 'to.

"A-ang hirap lang p-po kasing p-pumili."hinagod ko ang likod niya para tumahan siya.

"Bakit? Pwede kang magkwento, makikinig ako."

"A-ang hirap p-pong pumili. Mahal ko siya at ginawa ko na ang lahat para lang magkabalikan kami, pero wala pa rin eh. Pinagtritripan niya lang pala ako. Akala ko may pag-asa pa na pwedeng maging kami.... Ang sakit... K-kasi m-mahal na mahal ko s-siya at u-umaasa ako..."humihikbi niyang wika.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Siguro nga ganyan talaga ang buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay lagi tayong masaya.

"Kung wala na, tama na. Kung ayaw niya, isuko na. Atleast for the last at pinakita mo sa kanya na mahal mo siya. Pinaramdam mo sa kanya na may halaga pa rin siya sayo. Minsan, ang mga taong pinapangarap natin ay hindi pala sila ang nakatadhana para sa atin. Kaya tumahan ka na diyan at magtiwala na lang tayo kay God. Alam na naman natin na may plano siya para satin eh."nakangiting wika ko sa kanya.

Magsasalita pa sana siya ng biglang magring cellphone niya kaya kinuha niya iyon habang pinapahid ang pisnge niya.

"Hello?....Ah sige-sige... Saan?.... Papunta na ako..."

Yan yung mga narinig 'kong sinabi niya bago siya tumayo.

"Sige na po, Ate. Salamat po sa advice pero kailangan ko na pong umalis."nagmamadali niyang wika bago siya tumakbo palabas ng park.

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon