MTP#32:Can We?

3.1K 58 9
                                    

Saktong pagkapark ni Axl sa parking lot ng condo ang siyang pagtunog naman ng cellphone ko. Kaya kinuha ko iyon at tinignan ang message.

PinsanKongMaganda♡

"Insan, pinaalam ka pala samin ni Axl. Kaya wag mo na kaming iisipan pa. Gawa muna kayong baby."

Yan yung nakalagay sa text niya na siyang ikinailing ko naman. Seriously, Insan?! Yan talaga ang iniisip niya? Tsk! Tsk! Madumi din talaga ang pag-iisip ni Insan. Hsst!

"Tara."yaya sakin ni Axl at pinagbukasan niya ako ng pinto ng kotse niya.

Bumaba naman ako at sumunod sa kanya. Sabi niya kasi magdadate na lang daw kami, pero dito naman niya ako dinala. Minsan may pagkaano din 'tong si Axl eh. Hindi mo alam kung ano ang iniisip. Psh!

Pagkarating namin sa mismong tinutuluyan ay agad siyang tumungo sa kwarto niya. Ako naman ay naupo sa couch. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Pwe!

Ilang minuto lang ang lumipas ng lumabas siya sa kwarto niya na nakabihis na. Halos malaglag nga ang panga ko dahil sa suot niya. Paano ba naman kasi, ang sexy niyang tignan sa jogging pants na grey at sando na white. Shit! BAKAT!!!






Ang ABS!


"Laway mo."wika niya kaya agad akong napahawak sa bibig ko pero wala namang laway kaya sinamaan ko siya ng tingin nung tumawa siya. Tsk! Puro kalokohan talaga ang alam. Tsk! Tsk!

"Kainis ka!"

"Mahal mo naman."yan. Yan ang pambawi niya. Hsst! Pasalamat ka at mahal kita. Mahal na mahal.

Napakamot ako sa leeg ko dahil nangangati ito. Damn! Kinakati na ako sa damit na suot ko. Kainis! Bakit kasi dito pa kami dumiretso? Ba't hindi na lang sa bahay para nakapagbihis naman ako.

"Ayos ka lang?"tanong sakin habang papalapit siya sa pwesto ko.

"Oo. Medyo nangangati lang ako sa suot ko."sagot ko sa kanya at muling napakamot sa braso ko.

Yung top coat niya kasi ay hindi purong cotton kaya ayan. Nangangati ako.

"Magpalit ka muna. Tingin ka na lang ng damit ko doon sa kwarto."tumango ako sa kanya bilang sagot bago tumungo sa kwarto niya.

Naghanap ako ng damit na pwedeng kumasya sakin ng maalala 'kong nakacycling lang pala ako and worst ay wala akong suot na bra. Dahil yung dress na suot ko ay may foam na kaya no need to wear a bra. Peri ngayon? Paano na ako?

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.

"Hindi ka pa ba tapos maghanap ng damit?"tanong niya sakin na inilingan ko naman.

"Wag na lang kaya akong magpalit?"wika ko na ikinabuntong hininga naman niya tsaka siya lumapit sakin at pinaharap ako mula sa kanya.

"Pero, namumula na yang leeg mo. Ba'ka magkaallergy ka diyan. Don't worry, dito lang naman tayo sa condo eh."tsaka niya ako hinalikan sa noo.

Tila ba nahigop ang hiyang nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Kaya naman napatango ako di oras.

"Sige na. Magbihis ka na."mahinahon niyang wika at dahan-dahang binababa ang zipper ng damit ko.

"Bastos!"yan na lang ang nasabi ko dahil sa pagkabigla. Pero tinawanan lang niya ako bago siya lumabas sa kwarto.

Nang masiguro 'kong wala na siya ay kinuha ko na yung kulay blue na v-neck shirt niya. Mahaba 'to kaya matatakpan ang kalahati ng legs ko.

Pagtapos 'kong magbihis ay tinignan ko muna sa salamin ang sarili ko at di naman masyadong bakat ang dalawa 'kong hiyas dahil maluwag naman ang damit. Okay na 'to. May tiwala naman ako sa kanya at sa sarili ko kaya okay na.

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon