Muli akong napapunas sa mukha ko dahil sa luhang walang sawa sa pag-agos. Ilang araw na din akong umiiyak pero hanggang ngayon ay 'di pa nauubos ang luha ko.
Hinugot ko yung natitirang damit sa cabinet ko ng may sumamang envelop at nahulog ito sa sahig.
Nakaseal pa ang sobre at mabango ang amoy.
Sino naman kaya ang maglalagay nito sa damitan ko? Hindi naman ako mahilig na magsulat-sulat sa mga sobre kaya imposibleng nakaligtaan ko lang ito.
Tinignan ko ang likod niya at nakasulat doon ang pangalan ko. Ibig sabihin ay para sakin ang sulat na ito.
Umupo ako sa kama ko at binuksan ang sobre. May sulat sa loob kaya kinuha ko iyon at binasa.
Mahal 'kong Apo,
Basa ko sa taas niya kaya alam 'kong kay lola ito. Ang haba..
Kung nababasa mo ito ngayon ay maaaring wala na ako. Patay na ang lola mo. Pasensya ka na apo kung maaga ko kayong iniwan. Gustuhin ko man na makasama kayo ng mas matagal ay hindi na pwepwede dahil may mga tao na nagtatangka sa buhay ko.
Tanda mo pa ba apo yung nangyari noong bata ka? Siguro ngayon ay naaalala mo na ang lahat at alam 'kong naguguluhan ka na din dahil sa pagpapatigil ko ng imbestigasyon pero may dahilan ako apo ko. Pero bago ko sabihin ang mga dahilan ko gusto ko sanang sabihin sayo na wag na wag mo sanang iisipin na masama kami ng mga magulang niyo ni Bernadeth. Mahal na mahal namin kayo apo tandaan mo yan.
Napaiyak ako dahil sa sinabi ng lola ko. Habang binabasa ko ang sulat niya ay tumitibok ng mabilis ang puso ko. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari.
Apo, mafia kami. Nakasali kami sa isang organisasyon na gumagawa ng mga illegal na bagay. Pagbebenta ng shabu, baril, ginto, at pumapatay kami ng mga tao na hahadlang sa amin. Nasa dugo na natin ang mafia apo ko. Mula sa kanunununuan ng pamilya natin ay nakasali sa mafia. Nabuhay kami sa mga underworld activity. Pero ng makilala ng mama at tita mo ang inyong mga papa ni Bernadeth ay nagbago ang lahat. Gusto ng umalis ng mga magulang niyo sa trabahong iyon. Pero ayaw ng dalawang organisasyon. Mortal na magkaaway ang grupo namin ng mga papa niyo at ang grupo ng mga mama niyo. Pero noong nabuo kayo ay masasabi 'kong yun na ang pinakamasayang araw na nakita ko sa papa at mama niyo.
Para sa kaligtasan nyong dalawa ni Bernadeth ay umalis kami sa mga organisasyon na kinabibilangan namin. Akala namin noong una ay okay lang. Hindi na kami mapapansin pa, pero nagkamali pala kami. Nalaman ng organisasyon namin iyon kaya gusto nila kaming patayin. Palipat-lipat kami ng lugar hanggang sa matagpuan nila kami at pinatay nila ang papa niyo. Pinalabas nilang car accident ang nangyari pero hindi kami naniniwala doon. Alam namin ang plano nila. Gusto nila tayong ubusin. Hanggang sa lumipat tayo sa Batanggas. Nating matiwasay ang buhay natin doon ng ilang taon pero nabulabog tayo noong napagkamalan nilang si mama mo ang pumatay sa pamilya ni Ramon Samonte. Akala din niya siya ang kumuha sa tanzinite pero napulot lang yun ng mama ni Bernadeth. Hindi namin alam na yung asul na bato pala ang tinutukoy niya kaya ang nangyari ay namatay lahat ng tauhan ng mama mo at maging sila ay namatay din.
Noong dumating ako sa bahay niyo ay parehas kayo ni Bernadeth na walang malay. Kaya dinala ko kayo agad sa hospital. Noong nagising ka ay sobra ang truma'ng nakuha doon kaya kumuha ako ng phychiatrist para burahin ang alala mo at magimbento ng panibagong alaala. Pinatigil ko din ang pag-iimbestiga ng mga pulis dahil natatakot akong malaman nila ang pinagmulan natin. Hindi ko kayang mapahamak pa kayo Apo ko.
Noong lumipat tayo sa Tarlac ay naging matiwasay ang buhay natin. Simple lang pero masaya. Ngunit alam ko naman na may hanggang pa rin iyon. Kaya kapag may lumabas ng statement ng mga utang natin ay bayaran niyo na at umalis na kayo sa lugar natin. Mas magandang magtiis kayo sa hirap basta't hindi lang kayo mapagbantaan ng mga organisasyon namin. Pasensya na apo dahil nadamay pa kayo sa gulo namin. Sana hindi sumama ang loob niyo ni Bernadeth sa amin. Basta't tatandaan mo na mahal na mahal namin kayo. Kahit anong mangyari ay kayo pa rin ang apo ko.
-Love, Lola
Napapunas ako ng luha ko dahil sa haba ng sinabi ng lola ko. Hanggang huli ay prinotektahan nila kami. Wala akong pakialam sa kung ano sila, ang mahalaga sa akin ay ang kung sino sila. Wala kami ngayon kung wala ang mga magulang namin. Isa pa ay nagsisi naman sila sa ginawa nila.
Kahit na masakit tatanggapin ko pa rin. Nangyari na eh. Hindi ko na mababago pa ang natapos ng mangyari. Maging masaya na lang tayo sa kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap.
---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
AksiWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)