"So, can I date you?"pormal niyang tanong na agad na tinilian ng pinsan ko at ng mga bata.
Kaya ang nangyari ay nandito ako ngayon sa simbahan kasama si Axl. Pinagtutulakan kasi nila ako kanina papasok sa kwarto ko at pinagbibihis. Mga ano din yung mga yun eh! Harap-harapan akong binibinta. Psh! Buti na lang at mahal na mahal ko sila.
"Ang kapayapaan ay sumainyo!"
"At sumainyo rin!"
"Peace be with you!"wika ni father at nagsimual na kaming makipagpeace be with you sa mga kasama naming nagsisimba.
"Peace be with you."
"Peace be with you."
"Peace be with you."
Harap likod-kaliwa't kanan. Yan ang sinasabi namin. At nang magtagpo ang mga mata namin ni Axl ay hindi ko maiwasang mailang. The fudge! Bakit ba ganito siya makatingin.
"P-peace be w-with you."nauutal 'kong wika sa kanya.
"Peace be with you."balik din niya at okay na sana ang lahat kaso lang may pahabol siya.
Isang HALIK!!!!
Halik sa pisnge na siyang ikinabato ko. Hindi ako makagalaw dahil sa ginawa niya. Nananaginip ba ako? Pasampal naman ako!
"You're cute. I like the way you blush."napahawak ako sa pisnge 'kong nag-iinit dahil sa sinabi niya.
"Hoy! Hindi ako nagblublush ha! Kapal nito!"tanggi ko na tinawanan naman niya ng bahagya.
"Talaga lang ha?"pang-aasar na sinungitan ko naman.
Masyado talagang assuming 'tong lalaking 'to. Psh!
"Pagdating ng araw sa mismong harap ni father na tayo nakapwesto."wika niya na hindi ko naintindihan.
Nasa harapan na nga kami ni father. Hsst! Minsan may pagkasunga din 'tong si Axl. Psh!
-
Nang matapos ang simba ay dumeretso kami sa mall. Malapit lang kasi ang mall dito. Isang sakayan lang. At dahil may dala naman siyang sasakyan kaya ayun ang ginamit namin. Alagan naman."Gutom ka na ba? Tara kain na muna tayo."yaya niya na hindi ko na lang sinalungat. Tutal yun din naman ang sinasabi ng tiyan ko. "By the way----"naputol ang sasabihin niya ng magvibrate ang cellphone niya.
Sakto pagtaas niya ay nakita ko ang nakaregister na caller ID. 'Baby Ae' ang nakalagay at ang sakit sa damdamin. Sana di ko na lang nakita.
Genesture niya ang kamay niya bg wait lang kaya tumango na lang ako. Lumayo siya ng kaunti at nakipag-usap doon sa Baby Ae niya. Tsk! May girlfriend na pala siya pero nakikipagdate pa siya sakin. Aba! Hindi naman siguro ganun kakapal ang mukha niya? Tsk!
Ilang sandali lang ang natapos at bumalik na din siya.
"Tara na."yaya niya na tinanguhan ko na lang.
Hindi ako pwedeng magtanong kasi, wala akong karapatan. Wala naman kaming relasyon kaya okay lang kung anong gawin. Hsst! Ang hirap talaga ng one sided love. Dati, na-one sided na ako tapos ngayon mukhang ma-wa-one sided na naman ako.
"Ayos ka lang, Mik?"dinig 'kong wika niya na nagpabalik sakin sa reyalidad.
"Oo naman."nginitian ko siya para sabihing okay lang ako.
"Okay. So, anong order mo?"napakunot ang noo ng tanungin niya iyon.
Nilibot ko ang paningin ko at nasa food chain na nga kami. Sa kuya J's. Grabi! Hindi ko man lang namamalayan na nakarating na kami dito.
"Kung anong sayo yun na din sakin."sagot ko na lang at hindi na inabala pang magtingin sa menu.
"Yan lang ang order namin."wika niya sa waiter bago ako balingan ng tingin. "Okay ka lang ba talaga?"
"Oo naman. Pagtaos nito uwi na tayo, ha?"sagot ko sa kanya pero sa itsura niya ngayon ay hindi siya naniniwala sa sinagot ko.
"Are you sure?"
"Oo."
"Okay. Pero bago tayo umuwi magpapasukat ka pa ng gown mo."yung lungkot na nararamdaman ko ay biglang napalitan ng pagkabigla.
"Gown?! Para saan naman yan?"
"May auction party na magaganap at ikaw ang dadalhin 'kong partner ko for that night."
"Eh? Bakit ako? Ayoko sa ganyan."
"Pumayag ka na, Mik. Please. Pleasee."pagmamakaawa niya at nagpuppy eyes pa siya sa harapan ko. "Sige na. Sige na. Sige na."
Ano ba? Paano ko ba 'to sasagutin? Ayokong pumunta doon dahil walang kasama sila Bernadeth sa bahay. Isa pa ay wala akong alam sa auction-auction na yan. Siguro parang Probinsyano yun? Hsst! Ewan!
"Pero kasi---"
"Sige na. Sige na. Sige na."pagmamakaawa niya habang nagpapuppy eyes.
Bakit nagiging cute siya sa paraan ng ginagawa niya ngayon? Hsst! Nababaliw na talaga ako!
"Pero may isa akong tanong."kanina ko pa kasi 'to iniisip eh.
"Kapag ba nasagot ko yan sasama ka?"
"Depende."nasa sagot siya ang magiging dahilan ng pagsama ko o pagtanggi ko.
"Bakit depende! Gusto ko, kapag sumagot ako, sasama ka!"reklamo niya na nagpataas sa kilay ko.
"At bakit?"
"Psh!"napairap ako dahil sa pagsusungit niya. Dapat ako ang magsungit hindi siya!
"Isa lang naman yung tanong ko eh."
"Tsk! Ano ba yun?"parang napipilitan pa siya sa pagsagot niya.
Bumuntong-hininga muna ako bago ako nagsalita. Ba'ka kasi masakit ang magiging sagot niya.
"Kaya mo ba ako niyayang lumabas para kumbinsihing maging date mo?"napataas ang kilay niya dahil sa tanong ko.
Matagal din bago siya nakabawi at ang sakit lang sa pakiramdam dahil mukhang nag-aalalangan pa siya.
"Kasi.... kasi... hindi naman sa ganun. Niyaya kitang lumabas kasi gusto ko. At gusto din kitang maging date sa auction."okay lang naman yung sagot niya, pero yung una lang talaga. Yung una na parang hindi pa siya sigurado.
"Okay."
"Anong okay? Okay ba na sasama ka sa auction?"excited niyang tanong na tinaguan ko naman.
Siguro masyado lang akong paranoid kaya kung ano-ano ang naiisip ko sa kanya. Nginitian ko siya ng ngumiti siya. Pagtapos nu'n ay inubos na namin ang mga pagkain namin.
---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
ActionWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)