MTP#3:OJT

7.6K 123 0
                                    

Ngayong araw ang On the Job Training namin at excited na excited na ako. Feeling ko kasi ay totoong pulis na ako dahil sa porma at tindig ko. Di bale, ilang buwan na lang ang hihintayin ko at matutupad ko na ang pangarap ng mama ko sakin.

"Aba, pulis na pulis ang dating, ha."bungad sakin ni Bernadette pagkapasok niya sa kwarto ko.

"Syempre. Ngayong araw ang first OJT namin kaya dapat pormadong-pormado ako."sagot ko sa kanya habang inaayos ang kwelyo ng damit ko.

Umupo naman si Bernadette sa kama ko habang pinagmamasdan niya ako.

"Hayy, feeling ko insan hindi ka na maaasawahan."wala sa oras niyang wika at hindi ko alam kung ibabato ko ba ang tuwalya na nakasabit sa tabi ng aparador o ano dahil sa sinabi niya.

Bwisit 'to! Sa dinami-rami ng pwedeng sabihin yun pa talaga.

"Talaga lang, ha?"sarkastiko 'kong wika sa kanya.

"Yazzz... kasi naman tom--aray!!"bago pa man matapos ni Bernadette ang sasabihin niya ay ibinato ko na sa kanya ang towel.

"Ano? Sasabihin mo na naman na tomboy ako?! Eh, kung barilin kaya kita diyan."pananakot ko sa kanya at agad naman siyang panapeace sign.

"Sorry na. Wag mo akong baralin baka mamiss ni lola ang pinakamaganda niyang apo."binato ko ulit sa kanya ang pulbo na nakalagay sa aparador ko, kaya naman napatakbo siya sa kabilang side ng kama.

Fudgebar 'to. Pinuri niya pa ang sarili niya, eh alam naman nating lahat na ako ang pinakamagandang apo ni lola.

"Hayy, naku! Bahala ka nga diyan, insan. Taas mo din mangarap, eh!"saad ko sa kanya bago lumabas ng kwarto.

Sakto paglabas ko ay nandoon na si lola sa salas at nakaupo habang nanunuod sa T.V.

"La, ano po yang pinapanuod niyo?"tanong ko sa kanya bago ako umupo sa tabi niya at nakinuod na rin sa T.V.

"The unknown drug lord has been found."yan ang nakalagay sa screen ng T.V.

Alam ko na ang isyung 'to, dahil nabanggit ito ng mentor namin. Sabi niya matagal na daw nilang hinahanap ang drug lord na ito pero hindi naman daw nila mahanap-hanap dahil sa kulang sila ng impormasyon. Tsk! Tsk! Ang hirap-hirap na nga ng buhay dito sa Pilipinas tapos dito pa nila napiling magbenta ng drugs. Yan tuloy, nahuli sila. Tsk! Hindi naman sa kinakampihan ko ang drug lord na ito, pero ang tanga lang kasi niya. Paano pa siya kikita kung kulang pa pangbili ng bigas ang perang sinasahod ng mamamayan? Hayy, naku! Minsan hindi rin nag-iisip ang mga 'to eh.

"Nang dahil sa unknown source ay nahuli na rin sa wakas ang kilabot na drug lord. Kaya naman malaki ang pinagpapasalamat ng pulisya sa taong nagtip nito sa kanila."

Buti na lang at may mga tao pa na hindi natatakot sa kung anong pwedeng gawin ng kalaban. Buti at meron pangtao na mas inuuna nila ang kapakanan ng iba bago ang sarili nila. Kaya nga saludo ako sa mga taong may ganoong ugali eh.

"Sunod-sunod na ang nangyayaring krimen dito sa Pilipinas, apo. Hindi ka ba natatakot na ba'ka isang araw ay makaengkwentro ka ng dikanais-nais na pangyayari?"tanong ni lola na agad ko namang inilingan.

Alam ko naman na nag-aalala siya sakin, pero kahit na anong mangyari ay hindi ko bibitawan ang career na napili ko. Alam 'kong ito ang magiging daan ko para makakuha ng inpormasyon tungkol sa pagkamatay ng nanay ko.

"La, kahit anong mangyari ay ipagpapatuloy ko po ito. Alam niyo naman pong gusto 'kong makakuha ng impormasyon tungkol sa pagkamatay ng nanay ko, eh."

"Hayy, ikaw talagang bata ka. Basta apo, lagi kang mag-iingat. Kahit anong mangyari ay nandito lang kami ng pinsan mo na susuporta sayo."niyakap ko si lola dahil sa sinabi niya.

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon