MTP#23:Aray ang sakit!

3.6K 46 2
                                    

Muli 'kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa aking mga mata. Ano ba yan! Bakit ba ako umiiyak? Wala namang kami kaya wag dapat akong mag-inarte dito. Tsk!

Buti na lang talaga at walang tao dito sa C.R. Kung meron, ba'ka sabihan pa nila akong baliw. Hsst!

Kinuha ko yung foundation sa pouch na hawak ko at naglagay ng kaunti sa mukha ko. Para naman hindi mahalata na umiyak ako. Hsst! Buti na lang talaga at may nilagay si Bernadeth dito. Minsan may pakinabang din pala ang pinsan 'kong yun.

Nang matapos ako sa paglalagay ay pumasok muna ako sa isang cubicle para magbawas ng tubig sa katawan. 'No ba yan! Alak lang naman ang ininom ko. Tsk!

Lalabas na sana ako ng bigla akong makarating ng mga takong na papasok dito sa loob ng C.R.

"I already meet my Ace."teka, kilala ko ang boses na yun ha. Kay Madelline yun.

Napagpasyahan 'kong manatili sa loob ng cubicle para mapakinggang ang pag-uusap nila.

"Hahaha girl. Baliw na baliw ka pa rin talaga kay Ace."wika naman ng isa pang boses.

Kung hindi ako nagkakamali yung Ace na tinutukoy nila ay si Axl. Hsst! Possesive siguro 'tong si Madelline sa kanya. Andami talagang naiinlove sa lalaking yun.

"Ace is my first, kaya gagawin ko ang lahat para siya din ang maging last."mararamdaman mo ang saya sa boses ni Madelline.

Nakaka-inggit naman siya. Buti pa sila may pinagsamahan na.

"Eh, di ba girl may kasama nga siyang girl kanina. Ba'ka nga girlfriend niya yun eh."sagot naman ng isa at alam 'kong ako yung tinutukoy niya. Ako lang naman kasi ang kasama niya kanina eh.

"I don't care. Ace is mine so back off to that girl."napayukom ako ng kamao dahil sa sinabi niya.

Tsk! Feelingera din 'tong babaeng 'to ah. Hindi porket may pinagsamahan na sila ay sa kanya na si Axl. Tsk! Tsk! FYI, may gusto kaya si Axl kay Rylee at ang sakit kapag naiisip ko yun.  (~_~)

"Tara na nga girl. Ba'ka nag-uumpisa na ang auction. Kailangan 'kong bid si Ace para magkaroon kami ng date."huling wika ni Madelline bago ako nakarinig ng mga tunog ng takong papalabas.

Si Madelline pa talaga ang gagawa ng paraan para lang maidate siya. Tsk! Tsaka ano yung sinasabi niya? Si Axl ibibid niya? Pwede na din pala ang mga tao kapag ganun.

Lalabas na sana ako sa cubicle na kinaroroonan ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko pala na isilent.

Kinuha ko iyon at tinignan ang message.

AxlSoPogi♡

"Where are you? Magsisimula na ang pagbibidding. Can you please come here and save me from this shit segment."

"By the way, I put my number on your phone."

Yan yung nakalagay sa magkasunod niyang text. Grabi talaga 'to sa kahanginan. Kapal ng mukha. Axlsopogi daw. Wew! Totoo naman, pero kailangan talagang ipahalata. Tsk! Tsk! Tsk!

Lalabas na sana ako sa cubicle ng may marinig na naman ako ng bagong pasok at nag-uusap.

"Nalagay mo na ba?"wika ng boses babae.

"Oo naman."sagot ng isa.

Ano kayang pinag-uusapan nila.

"Eh, sila L? Nalagay na ba nila yung mga bomba sa dapat na kakalagyan?"nanigas ako ng marinig ko ang sinabi ng babae.

B-bomba? S-seryoso ba s-sila?

"Psst! Wag kang maingay, F! Ba'ka may makarinig sayo."suway ng kasama niya.

Meet The President [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon