Mary Katryn Gonzalvo POV
"Ayos ka na ba, Insan?"muling tanong sakin ni Bernadeth.
Tumango ako sa kanya bilang sagot. Hanggang ngayon kasi ay di pa rin ako makapaniwala sa napanaginipan ko. Panaginip lang naman ang lahat ng iyon pero bakit sobra akong apektado? Ilang beses ko ng kinukumbinsi ang sarili ko na panaginip lang iyon pero wala eh. Yun talaga yun. Totoo talagang nangyari iyon. Naaalala ko na ang lahat. Mula sa umpisa hanggang sa dulo ay alalang-alala ko na.
"Gusto mo bang tumawag ako ng doctor?"tanong naman ni Axl. Kanina pa din siya nagtatanong at hindi rin mapakali.
Tumigin ako sa kanya at ang nag-aalala niyang ekspresyon ay unti-unting nagbago. Nagiging malumanay na siya.
"P-pwede bang lumabas ka muna?"wika ko na tinanguan naman niya at naglakad na siya palabas ng kwarto ko.
Muli akong hinarap ni Bernadeth ng may nag-aalalang ekspresyon.
"Insan..."tawag niya at hinawakan ang kaliwang kamay ko.
"Bernadeth?"panimula ko sa kanya tsaka siya tinignan sa mata. "May naalala ka ba sa nangyari sa mga magulang natin?"deretsahan ko ng tanong sa kanya.
Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. Gusto ko ng malaman ang katotohanan.
Umiwas siya ng tingin sakin na siyang ikinabuntong hininga ko naman.
"Parang awa mo na, Bernadeth. May naaalala ka ba sa nangyari sa kanila?"nangingilid na ang luha ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Napakagat na din ako sa ibabang labi ko dahil sa dami ng mga tanong na gumugulo sa isipan ko.
"P-pasensya na, Insan."sagot niya na siyang dahilan ng pagtulo ng luha ko.
Kita ko din sa mukha niya ang pagkalungkot at panghihinayang.
"M-matagal mo na bang alam?"tanong ko ulit.
Gusto 'kong malaman kung matagal na niyang alam. Gusto 'kong malaman kung nilihim niya ba yung nangyari samin.
Tumango siya sakin na lubos 'kong ikinaiyak. Parang kumirot din ang puso ko dahil sa ginagawa niya. Alam niya pala bakit hindi niya ako ininform? Bakit mas pinili niyang paniwalaan ko ang car accident na nangyari sa kanila? Bakit?
"Akala ko pa naman walang lihim sating dalawa..."nanghihinayang 'kong wika.
Gusto ko siyang bulyawan dahil nagmukha akong tanga. Hinayaan niya akong mabuhay sa kasinungalingan. Hinayaan niya akong maiwan sa nakaraan.
"Napakadaya mo."usal ko sa kanya habang nagpipigil ako ng iyak.
Tumingin siya sakin at umiiyak na din siya. Hiniwakan niya ng mahigpit ang kamay ko at nagmamakaawa ang mga tingin niya sakin.
"Pleaseee.. please, Kat. Pakinggan mo naman ang paliwanag ko. Pleasee.."
"Para saan pa?! Pinabayaan mo na ako eh! Iniwan mo akong mag-isa! Hindi mo ako sinama sa liwanag! Napakadaya mo!!"singhal ko sa kanya at pilit na binabawi ang kamay ko na hawak-hawak niya.
"No. Please, Kat. Please... nagawa ko lang naman lahat ng yun dahil gusto kitang protektahan. Ayaw kitang nakikitang nasasaktan. Hindi mo deserve masaktan, pinsan."
"Pero wala eh. Sinaktan mo na ako. Hindi mo ako prinotektahan. Sinaktan mo lang ako!"
Humahagulgol na sa iyak si insan habang mahigpit siyang nakahawak sa kamay ko. Alam 'kong naging mabait siya sakin, pero sana sinabi niya ang katotohanan sakin.
"Insan, prinotektahan lang kita. Ayokong maging malungkot ka. Ayokong matruma ka sa mga nangyari. Ayoko dahil mahal kita. N-noong nagising k-ka sa hospital ay w-wala ka sa s-sarili mo. L-lagi kang nagwawala."pagpapaliwanag niya kahit hindi ko naman sinabing magpaliwanag siya. "N-naawa sayo si l-lola dahil sa n-nangyari kaya naman nagpasya s-siyang dalhin ka s-sa isang ps-psychiatries para b-burahin lahat ng m-masasamang alala mo. P-pinamulat sayo ni lola n-na car accident a-ang nangyari."
Nakaramdam ako ng guilty dahil sa sinabi niya.
"S-sinabi ni l-lola na w-wag ko na d-daw buksan p-pa ang masamang alaala natin. Kaya pasensya k-ka na, Kat kung di ko s-sinabi sayo ang totoo. S-sana naiisip m-mo din nasasaktan din ako."hikbi niyang wika sakin.
Napaangat ang kamay ko at hinawakan ko na ang ulo ni Bernadeth para haplusin ito. Nag-angat naman siya ng tingin sakin at bahagya niya akong nginitian.
Ang ayoko lang naman kasi ay ang nagsisinungaling mga taong nakapaligid sakin. Ayokong basta-basta na lang akong nagugulat dahil sa mga ginagawa nilang paglilihim sakin.
"S-sorry."tanging wika ko na lang sa kanya.
Agad siyang umayos ng upo at pinunasan ang luha niya.
"Ayos lang. S-sorry din."sa oras na iyon ay nagyakapan na kami para matapos na ang kadramahan sa buhay namin.
"Paano ba yan. Lumabag na agad ako sa batas ng tao at sa batas ng diyos."mahina 'kong wika patukoy sa dalawang taong napatay namin.
"A-ako din naman ha! Kaya parehas lang tayo."at sabay kaming natawa dahil sa sinabi niya.
Talagang natawa pa kami ha.
"Ayos na ba kayong mag-usap?"napakalas agad ng yakap si Bernadeth ng may boses na biglang sumulpot.
Napasimangot na lang siya ng makitang si Axl pala iyon. Nakangiti siyang lumapit samin na nginitian ko na lang din pabalik.
Damn! Ito na naman kasi ang puso ko eh! Kumakabog na naman ng mabilis.
"P-pwede bang kami naman ang mag-usap?"wika nito kay Bernadeth na tinanguan naman ng pinsan ko.
Labas siya sa kwarto at si Axl naman ay umupo sa pinag-upuan kanina ni Bernadeth.
"Kamusta ka na?"simula niya
"O-okay lang."fudge!! Umayos ka nga, Katryn! Wag kang mautal!
"Can I hug you?"bigla niyang tanong na ikinatigil ko.
Hindi ko alam ang isasagot ko. O-oo ba ako o hindi? Fudgebar! Cheesecaka! Ano na?!!
Sa kabilang parte ng isip ko ay gusto ko siyang mayakap. Sa kabilang banda naman ay sinasabi na masasaktan lang ako dahil na-one-sided na naman ako.
Unti-unti akong tumango sa kanya bilang sagot. Damn! Mas nanaig kasi ang kagustuhan ko kaysa maaaring mangyari.
Walang sabi-sabi niya akong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang mas mabilis na pagtibok ng puso ko. Para din akong kinukuryente dahil sa nararamdaman ko. Gusto kong kiligin pero pinipigilan ko dahil sa huli ay masasaktan lang din ako.
"Damn! I almost lost you."wika niya habang sinisiksik ako sa mga bisig niya.
Pakiramdam ko ay napakasafe ko habang yakap-yakap niya ako. Yung mga pangamba ko kanina ay bigla na lang nawala. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang laki talaga ng nagagawa ng pag-ibig sa isang tao.
"Wag mo ng gagawin yun sa susunod, ha?"mahinahon niyang wika na tinanguan ko naman habang yakap-yakap niya ako.
Napangiti na lang ako sa likod niya ng maramdaman ko ang pag-aalala niya. Kahit pala papaano ay nag-aalala din siya sakin. May halaga din ako sa kanya kahit kaunti lang.
---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
ActionWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)