"Ang ganda na ni ate Katryn."pambobola ni April habang pinapanuod akong ayusan ng baklang pinadala ni Axl.
Pagkatapos kasi ng pamimili namin ng gown kahapon ay umuwi na kami para daw makapagbeauty rest ako. Ang bait niya talaga pero madalas nakakabwisiy siya. Hsst! Nu'ng kasama ko siya kahapon feeling ko wala akong problema. Ang fluent lang ng araw ko kahapon. Yung naramdaman ko dati sa una 'kong minahal ay ganun din sa kanya. Actually mas level up pa nga eh.
"Ate, para kang si Cinderella. Sakto blue din yung gown mo. Hehehe! Bagay na bagay talaga kayo ni kuya Axl."segunda naman ni May na inilingan ko na lang.
Kahit kilan talaga, 'tong mga batang 'to.
"Alam niyo, kayong dalawa ay nagiging bola-bola na kayo. Ang galing niyong mambola eh!"natawa silang dalawa sa sinabi ko at maging yung baklang nagmamake up sakin ay natawa din.
"Totoo naman kasi ang sinasabi nila, girl. Ang ganda mo kaya ngayon sa ayos. Ibang-iba ka na."wika niya sabay paikot sa upuan ko at kitang-kita ko ang sarili ko mula sa salamin.
Ang ganda. Parang hindi ako itong kaharap ko ngayon. Parang pagdisney princess ang dating ko.
"Try mong isuot yung gown mo."dugtong niya pa sakin na tinanguan ko naman.
Nagtungo ako sa banyo para isuot ang gown na binili ni Axl kahapon. Nang matapos ay lumabas na ako para ipakita sa kanila.
"Woooow!"sabay-sabay nilang wika habang nasa akin ang atensyon nilang lahat.
"Pangdisney na ba ang itsura ko?"nakangiti 'kong tanong sa kanila na sabay-sabay naman nilang tinanguan. Kaya naman natawa ako sa kanila. "Sa tingin niyo, sino ang kamukha 'kong disney character?"dugtong ko at nagpapuppy eyes ako sa harapan nila.
"Si Cinderilla/Elsa/Snow white!"sabay-sabay nilang sagot at sa huli ay sabay-sabay din kaming natawa sa sagot nila.
"Kayo talaga.."
"Syempre naman, ate. Mahal ka kaya namin. Hehehe!"pambobola ni May na tinawanan lang namin.
Puro lang kami tawanan dito sa kwarto ko hanggang sa may kumatok.
"Insan, labas na. Nandito na yung prince charming mo!"sigaw ni Bernadeth mula sa kabilang pinto.
"Oo. Wait lang!"sigaw ko pabalik bago ko ituon ang atensyon ko sa kanila. "Oh. Nandiyan na daw si Axl. Tara, labas na tayo."yaya ko na tinanguhan naman nilang tatlo.
********
Axl Ace Samonte POV"Ito na ang mahal na prinsesa!"wika ni Adam na siyang kaibigan ni Victor---na siyang nagmake-up kay Katryn.
Paglabas ni Mik-mik sa pinto ay halos mapanganga ako sa ganda niya. Nakakaakit ang ganda niya at talagang masasabi mong Pilipinang-pilipina siya.
Sa bawat hakbang patungo sakin ay parang bumabagal ang oras. Sa paningin ko ay parang nagkaroon ng instant electric fan sa harapan niya na siyang nanghahangin sa side bangs niya at sa suot niyang gown. Sa paraan ng pagtitig ko sa kanya ay tumitibok ng mabalis ang puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Basta excitement at kilig ang nararamdaman ko.
Kilig? Kinikilig ako? Kinikilig ako sa kanya?!! Ibig bang sabihin nito ay nakamove on na ako kay Aedams? Nakamove on na ba talaga ako ng tuluyan sa kanya? Damn! Sana nga nakamove on na ako. Ang sakit kasing makita na may kasama na siyang iba. Tsk!
"Tara na?"yaya niya na tinaguan ko naman.
Habang inaalalayan ko siya na sumakay sa napakaganda 'kong lamborghini ay siyang panlalamig naman ng kamay ko. Damn! Umayos ka nga Axl!
"Ayos ka lang"she said in innocent tone. Damn! Why I love her voice so sudden?
Am I in my normal state? Damn!
"Yeah! Yeah! Ofcourse."I replied back at ng makaupo na siya sa passenger ay tumakbo naman ako papunta sa kabila. "Let's go, Elsa."
"Elsa?!"nakataas kilay niyang wika sakin na siyang napangiti sa mga magaganda 'kong labi.
"Yes,Elsa. You look like Elsa in Frozen."nakangiti 'kong sagot na siyang tinangu-tanguan naman niya.
Ang ganda niya talaga. Ang swerte ko dahil siya ang kadate ko sa auction party. Damn! I'm so excited to introduce her to my friend. Specially to Aedams.
---
Copyrights ©Miixxiimii (Maeryll Macaraeg), All rights reserved!
![](https://img.wattpad.com/cover/140777845-288-k474272.jpg)
BINABASA MO ANG
Meet The President [Completed]
ActionWho should I choose? The society who gaves me life or the person who completed my life? __ LANGUAGE: English & Tagalog STATUS: Completed SERIES: Mafia Series 1 GENRE: Action AUTHOR: M.M (Miixxiimii)