"Ngumingiti pa rin siya"
Sa likod ng kanyang mga ngiti
Doon mo makikita ang hapdi
Nag papanggap siya na walang iniindang problema.
Pina-pakita niya na kaya niya,na malakas siya.
Kahit sa totoo lang gusto na niyang sumuko sa buhay na mayroon siya.
Makikita mo siyang nakangiti
Mukhang napakasaya ng buhay niya!
Hindi mo mahahalata sa kanyang malaki ang problema niya.
Sa harap ng maraming tao
Nag papanggap siya na masaya
Kahit sa totoo lang gusto nalang niya ang bumitaw na
Subalit kinakaya niya pa rin para sa sarili niya
Sa buhay niyang pakiramdam niya siya ay nag-iisa.
Walang nanganga-musta sa kanyang nararamdaman ni-isa.
Pamilya niya'y puro mali lang ang nakikita sa kanya.
Kaibigan niya'y maaalala lang siya kapag kailangan na siya.
Wala siyang matalik na kaibigang masasabihan ng kanyang problema
Dahil karaniwan sa mga kaibigan na mayroon siya sinisiraan siya
Kapag nakatalikod na.
Kinikimkim niya ang sakit na nasa puso niya
Hindi na Ako magtataka kung isang araw kitilin nalang niya ang buhay niya.
Kung isang araw mabalitaan ko na lang na nag bigti na siya
Matakasan lang ang reyalidad na nasa harap niya.
Matakasan lang ang mga mapang-husgang mata ng mga nakaka-kilala sa kanya.
Takot na siyang mag tiwala at maniwala
Dahil sa mga taong dumadaan sa buhay niya.
Ang mga taong nasa paligid niya
Maaalala lang siya kapag kailangan na.
Dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya baka siya'y tuluyang sumuko na
Imbes na purihin siya sa magandang nagagawa niya
Puro kamalian lang ang napapansin nila
nasasaktan na siya sa mga sinasabi ng naka paligid sa kanya
Mistulang nasa entablado siya
Maling galaw niya lang huhusgahan na nila siya.
Sa kabila ng sakit sa pamilya,kaibigan at sa buhay niya ngumingiti pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
PoetryChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖