M.A series #1

9 2 0
                                    

Pansin mo ba--
Na sa bawat gabing tayo'y
magkasamang maglakad sa kalsada
Mahigpit ang aking pagkakakapit sa braso mo at tila ba kung bibitaw ay mawawala?
Pansin mo ba kung paano kita titigan sa mga mata
Batid mo sana kung gaano ako kasaya
sapagkat dumating ka
Muli,magbabakasakali ako at hihiling sa mga tala na baka naman kanilang pakinggan
Hindi kasi maiwasan na sumagi sa isipan
Na baka dumating ang araw na bigla ka nalang makisabay sa panahon sa panlalamig
kaya hangga't makakaya ay hahawakan kita ng mahigpit.
Ipapakita--
Kung paano ka sakin kahalaga
Ipaparamdam--
na ayokong sa tabi ay mawala'y ka.
Hindi lang kita gagawing inspirasyon sa bawat akdang nililikha
bagamat ikaw na rin ang aking magiging paksa.
Hindi na ako maghahangad na kahit sa simpleng tulang nilikha ay mapapangiti kita
Ang mahalaga pinag aalayan kita.

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon