"Salamat sa pang-iiwan dahil sa'yo Ako ay natauhan."
-
Mahal,Nakita ko kung paanong nagkaroon ng kinang sa'yong mga mata ng siya'y masilayan mo
Nasaksihan ko kung paanong biglang nagkaroon ka ng sigla ng mahawakan mo ang kamay niya
Nasaksihan ko kung gaano ka sumasaya habang kasama mo siya.
-
Ang sakit pala mahal!
Oo,ang sakit pag-masdan na napapasaya ka ng iba
Mas masakit pa pagmasdan ng harapan kung paano ka sumaya 'pag nasa tabi mo na siya.-
Sa kabila ng aking nasaksihan
Napag-tanto kong mas ikabubuti ko
kung palalayain kita ng tuluyan.
Ayoko nang kapitan ka pa sapagkat sa piling ko alam kong hindi ka na magiging masaya.Nais ko sana na humingi ng pasensya kung naging hadlang ako.
Pasensya ka na sa mga nasabi't nagawa ko
Hindi ko naman nais ang maging hadlang sa pag-iibigan ninyo.
Nadala lang ako
sa mga matatamis na salitang binitawan mo.Ginawa kitang mundo
Sa pag-aakalang ikaw na ang lalaking nararapat sa tabi ko.Hindi ko naman alam na naging harang na ako sa pagitan ninyo ng babaeng nililigawan mo kasabay ako.
Naniwala ako na 'ako lang' na dapat ay hindi pala.
Kaya ako nasasaktan dahil sa ang bilis kong maniwala sa mga mapanlinlang na salita.Pasensya ka na hindi ko naman alam na huma-hadlang na pala Ako sa inyong dalawa
Hindi ko naman nais ang ipilit sa'yo ang sarili ko.Nagkamali ako sa pag-aakalang ito ay kwento ng pag-iibigan nating dalawa
Ngunit ito pala ay storya ninyong dalawa na Ako ang pa-epal na ekstra.Habang ipinipilit ko ang sarili ko sa'yo
Nag-kukulong na pala Ako sa rehas ng pagmamahal ko
Kaya ikabubuti kong palayain ka
Sapagkat sa pagpapalaya ko sa'yo kasabay nito ang pagpapalaya ko sa sarili ko.Kahit na nasaktan mo ako nang sobra dahil sa biglang pag talikod mo--
Nagpapa-salamat pa rin ako
Tinuruan mo ako ng aral na sa'yo ko lang naintindihan.Marami na ang nagdaan subalit sa'yo ko lang ito natutunan.
Isa ka rin sa mga manunula (t)
Hindi ko naman nais ang magpa-sikat
Kaya alam mo naman sigurong sa akdang ito ikaw ang paksa ko.Hindi ko nais ang guluhin ka pa nais ko lang ang nararamdaman ko'y mai-bahagi sa mga tao.
Sa pag-sulat ko na lang idinadaan ang nais kong sabihin,Pasensya,aminado akong sa harapan mo hindi ko ito nagawang bigkasin.
Alam mo ba?
Noong tinalikuran mo ako doon ko natutunan ang mahalin ang sarili ko.
Natauhan 'rin ako sa kung gaano kaimportante ang mga tao at bagay na nasa paligid ko.Ang swerte-swerte ko pala
Sapagkat nasa tabi ko sila
Ang swerte ko may mga tao sa paligid kong katulad nila.Sabay sa paglisan mo doon ko natagpuan ang taong bumubuo at ngayon nag papasaya ng Araw ko.
Nang-iwan mo ako natuto akong kumapit sa kamay ng may likha.Kaya salamat maraming salamat at iniwan mo ako.
Pasensya ka na kung ngayon ko lang nasasabi ang pagpapalaya ko sa'yoKahit hindi naging tayo
Nais ko lang sabihing totoong nagkaroon ka noon ng puwang sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
ŞiirChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖