"Hindi ako matatawag na Makata."
By. SJ/SlayerJrell👌
Ako yung tipo ng manunula(t)
na 'Pag binigyan mo ng pamagat
Tititigan ko lang ito ng saglit
At biglaan nang may maisu-sulat
Di ko na iniisip kung mayroon bang magbabasa ng Aking mga sinusulat Kung may mag kakainteres ba sa tulang hinahayag ko
Kuntento na Ako sa paghahayag
Nang mga salitang gusto kong ipahayag
Ako yung tipo ng manunula(t) na hahayaan ka 'pag pilit mo akong hini-hila pababa Hinila sa baba
Hahayaan kita kung sa pang-hihila sa akin ay sasaya ka.
Masaya Ako sa tuwing nakakagawa Ako ng isang akda.
Inspirasyon ko ang mga taong magagaling sa pag gawa ng akda. Kadalasa'y 'pag katapos kong itipa ang tulang nasa utak ko,
Hahayaan ko na lang ito
Hindi ko na iisipin pang ayusin ito.
Wala akong pakealam sa iniisip ng ibang tao
Ang mahalaga nagagawa ko ang gusto ko
Naisusulat ko ang gustong sabihin ng mga labi ko.
Hindi mo ako masasabihan na isa nga akong makata
Dahil aminado naman akong hindi ako isang makata
Hindi ako yung tipo ng manunulat na mapag-panggap
Ayokong mag panggap
Manunulat lang ako subalit hindi Ako isang makata.
Ako yung tipo ng manunula(t) na hahayaan ka ano man ang maging tingin mo sa tulad ko Hindi naman ako taong perpekto.
Marunong lang akong sumulat ngunit hindi ako bihasa sa pag-tula.
Wala sa katauhan ko ang maging maalamat at dakila.
#SLAYERJRELLPOEMS

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
PoésieChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖