"Depresyon"

11 3 0
                                    


Sa pag-sapit ng dilim,
Hawak-hawak ko na ang isang patalim.
Ito ang aking lihim;
Lihim na itim.

Depresyon hindi biro.
Hindi ito biro na kapag sinabi
ko na nakararanas ako nito
tatawanan mo lang ako.

Depresyon ang katabi ko ngayon,
Mula umaga hanggang sa hapon.
Depresyon na hindi ko malaman ang solusyon.

Nasisilayan mo ako na palaging naka-ngiti;
Ngunit ang hindi mo alam na sa pag-sapit ng gabi kalakip nito'y pag-hikbi.

TANGA
WALANG DULOT
BOBO
WALANG KWENTA
HINDI KA KAMAHAL-MAHAL

Ilan lang sa mga salitang nakatatak sa isipan.
May paulit-ulit na bumubulong

"itarak mo na iyan
Ang problema na ay iyong takbuhan
Kapag itinarak mo na hindi ka na muling mahihirapan!"

Nais kong iwasang pakinggan
ngunit ayaw ako nitong tigilan.
Parang awa mo na!
Tulungan mo ako!
Hawakan mo ang mga kamay ko,
Iparamdam mong ikaw ay nasa tabi ko!!

Ako'y nasa malalim na bangin
Hindi man nakikita ng paningin
Ang mapunta rin rito ay hindi mo nanaisin.

Patuloy na pagtulo ng mga luha ay hindi ko na kayang pigilin.
Walang akong makapitan
Wala akong malapitan
Walang nagnanais na makinig
Sa mga nararamdamang binibigkas ng bibig.

Hindi sinasaktan ng marahas
Subalit sa kung paano nila ako ituring ramdam mo ang dahas!

Ang sarap sigurong bumalik sa pagka-bata
Mga panahong pambili lang ng kendi ang aking problema...

Bigyan mo lang ako ng limang piso masaya na.
Mga panahong tuwang-tuwa pa sila sa t'wing ako'y masisilayan ng kanilang mga mata.
Hindi ngayong paparating pa lang ako
Masasakit na salita na ang pasalubong ko.
Nais ko nang takasan ang mundo
Isip ko'y napakagulo.
Gusto ko ng itarak sa pulso ang patalim na ito
Ngunit kung mamamatay ako paano na ang mga pangarap ko?
Kahit papaano'y gusto ko pang lumaban.

Ngunit paano akong lalaban?
Hindi ko na kaya
Nais na ng katawan ko ang mamahinga.

Hindi ko na alam kung paano pang lalaban
Sa labanang buhay ko ang kailangan kong ilaban
At sarili ko ang aking kalaban.

Malapit na sigurong dumating ang araw
Ako'y hindi mo na muling matatanaw.
Kapag itinarak ko na sa pulso ang patalim na ito
tanda na ako na ay bumitaw.

Masisilayan mo na akong muli nang payapa sa aking pagpanaw.

Bigla akong napatingin sa langit nang dahil hindi malamang dahilan--
Tila ba bigla akong natauhan
Na naroon nga pala sa simbahan
Naroon sa kataas-taasan
Ang aking makakapitan at kailan man alam kong hindi ako bibitawan.

Bigla akong naliwanagan
Bakit nga ba nangangamba pa ako rito sa kadiliman
Kung ang kapalit naman nito'y magiging matatag ako sa aking kinabukasan.

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon