"Paglisan"
-JennyRAL
Nais kong muling ikaw ay hagkan
Nang sa gayo'y ang init ng 'yong katawa'y muling madama.
Nais na mahalikang muli ang 'yong mapupulang mga labi na dati'y tanging sa mga labi ko lang nakalaan.
Ang mga kamay mo'y nais kong muling mahawakan,
Ang mga ngiti mo'y nais kong muling masilayan na ako ang dahilan.
Handa akong pagmasdan ka kahit sa malayo,
Mangawit man sa pagkakatayo.
Hindi na magtatangka pang lumapit
Hindi na magtatangka pang ang nararamdaman ay ipilit;
Sapagkat hindi ko nais ang humadlang pa sa kung anong ikakasaya mo.
Tama nga siguro ang desisyong pinili ko;
Ang lumayo sayo;
kahit na taliwas pa ito sa isinisigaw ng puso ko.
Pagmamasdan at babantayan
Kahit pa hindi mo ito nalalaman.
Unti-unti ng lumalabo ang aking mga mata;
Sinasakop na ng sakit ko ang aking sistema.
Tanda na palapit na nang palapit ang oras ko
Malapit na akong lumisan sa kinamulatang mundo;
Pero wag kang mag-alala o mangamba
Kahit pa sa oras na ito ay malagutan man ako ng hininga
Babatayan pa rin kita at hihilingin ko ka'y bathalang sa pag lisan ko dumating ang taong kayang tumbasan ng sobra pa ang pagmamahal na inaalay ko sayo.
Bawat tao at bagay
oo nga't dumarating pero ang mga ito ay may oras na nakalaan rin para lumisan.
Tandaan mo sanang mahal kita kahit na ako'y mawala na.
Patawad kung nagawa kong magsinungaling sayo alam ko kasing kung mananatili pa ako
Guguho ang mundo mo kapag kinuha na ako;
Sapagkat nararamdaman kong malapit na
Ang oras ko.
Masaya akong maramdaman ang pagmamahal mo,
Masaya akong kahit na sandali'y naging dahilan ako ng pag ngiti mo.
Kapag nakaabot na sayo ang balitang wala na ako;
Maging masaya ka at burahin mo na ako sa isip mo.
Maging masaya ka at tanggapin mong wala na ako.
Palayain mo na ang multo ko at ang sarili mo.
Maghintay ka sa pag dating niya at mahalin mo siya gaya ng pagmamahal na saki'y inialay mo.
Masaya akong magiging masaya ka
Kahit na sa piling pa ng iba.
March 04,2019 10:10pm

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
PoesieChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖