Kaibigan kita pero inahas mo siya

22 5 0
                                    

"Kaibigan kita,pero inahas mo siya."
By.SJ/SlayerJrell/
-
Kaibigan kita
Pinagkatiwalaan kita
Sa lahat ng tao bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa ang umahas sa kanya?
Bakit ikaw pa samantalang sa lahat ng tao ikaw ang pinagkakatiwalaan ko ng sobra.
-
Pero ikaw din pala ang sisira sa ating dalawa
Habang nasa gitna niyo Ako lingid pala sa kaalaman ko na magkahawak ang mga kamay ninyo sa likod ko.
-
Pinagkakatiwalaan kitang ikaw ang mag babantay sa kanya
Pero ikaw pala ang aagaw sa kanya
Naging tikom ang bibig ko
Sa kabila ng mga gustong bigkasin ng labi ko.
Naalala ko tuloy bigla yung mga paborito nating laro.
-
Una
Ang larong bato-bato pick
Papel,Gunting at Bato yan ang mga karakter.
-
'Diba palagi mo akong natatalo dahil sa papel ang karaniwang pamato ko?
At gunting naman ang sayo?
Habang ang lalaking mahal ko naman ang bato?
-
Subukan nga nating ihalintulad sa ating tatlo?
-
Ikaw,Ako at siya na ang mga karakter
-
Ako ang may papel,
Ako ang may papel sa buhay niya dahil Ako ang nobya niya
Samantalang ikaw naman ang may Gunting
Gunting na siyang pumu-putol sa ugnayan namin
At siya ang bato,
sa kadahilanang dahil sa pag putol mo ng ugnayan namin naging bato ang puso niya pag dating sa Akin.
-
Pangalawa
Ang Patintero,
Dati rati'y tinutulungan mo Akong gwardyahan siya
Wag lang siyang mapunta sa iba.
-
Samantalang ngayon
Ginagwardyahan ko siya
Pero nilagpasan niya lang Ako
At tumakbo siya patungo sa kinaroroonan mo.
-
Pangatlo,
Ang tagu-taguan
Dati rati'y kasama ko siya sa pag tatago
Wag mo lang kaming matagpuan
-
Subalit ngayon
bakit nag tatago na pala kayo ng relasyon niyo
Habang karelasyon niya pa Ako?
-
Bakit hindi ko nalaman?
Naglalaro na pala tayo ng Tagu-taguan
Hindi na ikaw ang taya,
Ako na ang taya.
Hihintayin niyo lang na ang sikreto niyo ay Aking
malaman
Wala nang pakeelamanan
Kahit na Ako pa ay masaktan.
-
Huling laro,
Habul-habulan
Ang pinaka-masakit na laro
Dati Ikaw ang taya
Habang magka-hawak kamay kaming dal'wa sa pag takbo
Wag mo lang kaming maabutang dalawa
Dahil hinahabol mo kaming dalawa.
Samantalang ngayon
Ako na ang huma-habol sa inyo,
Habang Mahigpit na magka-hawak kayo ng kamay
Sa harapan ko.
-
Sa lahat ng laro na 'iyan
Sana Alam mong Dinurog mo  Ako ng Tuluyan.
-
Nasasaktan Ako
Dahil higit pa sa kaibigan ang itinuring ko sayo
Minahal kita na parang kapatid ko
Para ganituhin mo lang ako.
Kaibigan kita pero bakit Inahas mo siya?
-
Sana maging masaya kayo
Sa ginawa niyo sa aking dalawa
Sa landas na mas pinili niyong tahakin
Nawa'y pagpalain kayo at magtagal pa
Kahit na hindi na ako ang mahal niya
Kahit na sinira mo na ang pag kaka-ibigang nabuo natin
At mas pinili mo pa ang agawin siya sa Akin.
-
Ingatan at alagaan mo siya
Katulad ng pagmamahal ko sa kanya
Salamat sa inyong dalawa
Dahil natuto na ako sa ginawa niyo
Pasensya na sa mga masakit na salita na nasabi ko
Nasaktan lang naman ako,
Hindi niyo Ako masisisi kung magagalit Ako,
Dahil hindi naman kayo ang nasa kalagayan ko.
Sa Aking sarili paulit-ulit ito ang tanong

"Kaibigan kita pero bakit Inahas mo siya?"
-
Photo ctto. Google

#SLAYERJRELLPOEMS

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon