UMASA

14 3 0
                                    


"UMASA"
-JennyRAL
Nang ika'y bumalik mga pangamba'y napawi
Na para bang ang bagay na matagal saking nawalay ay nabawi.
Mga katamisan mo'y tinamasa
Mga higpit ng yakap at mga paglapit mo'y binigyan ng malisya.
Sa bawat oras gustong titigan ng mga mata
Na para bang ikaw na ang pinakamagandang obrang nakita.
Ang namamagitan sating dalawa at mga ala-ala ay binigyang importansya.
Inakala kong ang ikaw at ako ay may pag-asa.
Hindi inasahang sa kabila ng mabilis mong pagdating
Ang pag-alis mo'y sadyang mabilis rin.
Taas noo akong nakipaglaro ka'y tadhana.
Si kupido'y nagkamali sapagkat ako lang ang pinana.
Luha ay lumandas sa dalawang pisngi
At ang bawat ngiti na idinulot mo ay napawi.
Binigyang importansya ang hindi dapat bigyang halaga.
Hinayaang mahulog nang walang kasing lalim sayo
Sa pag aakalang ako ay sasaluhin mo;
Pero iniwan akong umaasa
Nilisan ng katulad mong paasa.
-JennyRAL🌷

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon