Mapagpanggap sa mga mata ng tao

6 1 0
                                    

Maririnig mo sa balita
ang pagpapasikat ng mga pulitiko
Tunguhing maging maganda
ang imahe sa gobyerno.
Magpapataasan!
Maghihilahan!

(Ganyan sila)

Ilalabas ang mga baho
ng hindi kaalyado
Walang kikilalanin
kahit kaibigan o kapamilya
Ilalaglag para pangalan,bumango.
Nang ang dating naiisyu na pangalan mabago.

(Ganyan ang gawain nila)

Sa ngayon
madami silang plataporma
Katulad nang idadamay sa road widening ang iskwater area
Maling ginagaya ang paglilinis ni isko sa divisoria.

(Gaya-gaya sila )

Tinatakpan ang mga pagkakamaling nagawa
gamit ang gawaing tama sa mga mata nila.

Nakakagago,
kung mananatiling bukas ang iyong mga mata
masisilayan at masasaksihan
ang totoong sila.

Nanaisin mong putulin ang sungay
ng tumutulad sa kanila
Na sa harap ng kamara nagbibilang Anghel sila.

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon