Pabago-bago

15 3 0
                                        


Ang nararamdaman kapag binabalewala,nawawal­a.
Mga katamisa'y hindi inaasahang bigla nang tatabang

Hindi na katulad noong una na walang mapagsidlan sa tamis

 at tila ba hindi mo natitiis.


Heto na nga't humantong na tayo rito
Sa punto na pinaka ayoko.
Nawalan na ng gana
Hindi na katulad noong umpisa.

Sa hindi inaasahang pagkakataon 
Mga pag-uusap ay wala ng saya at sigla tulad noon
Kislap sa mga mata ay naglaho
Ang pangako na hindi magbabago ay napako.

Lamang na yung lamig sa init
At 'yon ang masakit.
Nang sumapit ang gabi muling naramdaman ang init
Nakaramdam muli ng kilig.

Kinabukasa'y bigla na namang lumamig
Bigla ka na namang nanlamig.
Maaari ba na bumalik tayo sa umpisa?
Noong sa mga bawat kwento ko ay interesado ka pa.

Ibalik mo nalang ako sa umpisa
Noong hindi ko pa binubuksan ang pinto para makapasok ka
Sa umpisa noong hindi pa kita binibigyang importansya.
Noong hindi pa ako umaasa.

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon