-1-

7 2 0
                                    

Nagulat din ako 
at nagtaka
kung bakit
takbo ng kwento'y
biglang lumihis,
biglang nag-iba 
nanibago ako,
nakakagago.
Kahit na sa akin
mismo nanggaling 
ang ideya nito.
Ako ang sumulat 
at bumuo ng bawat kabanata
pero bakit pakiramdam ko'y
hindi ko kontrolado
ang mga kamay ko
nang nililikha ko ito.
Hindi ang nais ko
ang naging dulo
sapagkat,
sa kung paanong nagulat 
sa pagpasok mo
ay hindi na nagulat 
sa biglaang pag alis mo.

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon