Buwan

13 4 0
                                        


"Buwan"

Alas otso,sabado ng gabi
Hindi ko inaasahang iyon na pala ang huli.
Saksi ang madilim na kalangitan
At tanging mga bituin na nagkikislapan,
Wala na naman ang buwan,
Hindi na naman nasilayan.
Pinagmasdan ang 'yong likod
Nang simulan mo ng tumalikod
mag bibilang ng isa hanggang sampu
Magbabakasakaling baka naman may pag-asang lumingon ka sa pwesto ko
Sa bawat pag hakbang mo
papalayo
Sana batid mong nadudurog ako.
Nagbakasaling bumalik ka at yakapin ako.
Nagbilang at umasa
Habang ang mga luha ay bumagsak na ng sagana.
Napatingin sa kalangitan
Ang buwan ay hindi ko na naman natagpuan.
Tama na
Tama na ang katangahan
Kailangan ko ng lumisan.
Tatanggapin ko na lang na ang pagmamahal ko kailan man
ay hindi mo masusuklian.
May mga bagay na hindi dapat ipinaglalaban;
At sa umpisa pa lang kailangan ng sukuan.
Isa na sigurong senyales ang buwan
Na sa tuwing kasama kita ay hinahanap-hanap ko sa kalangitan
Ngunit paulit-ulit lang na hindi ko natatagpuan;
Na ang ibig sabihin talaga ay isa lamang ako sa mga bituin na nagkagusto sayo,
At kailan man hindi ako ang magiging buwan mo.
Salamat sa pagiging bida ng panandalian sa mga tulang naitala ko; Pangako ito na ang huling tulang ilalathala ko na ikaw ang inspirasyon ko.
Mahal,Nandito na tayo sa dulo
Sa dulo na hinihiling mo.
Mahal,
Mahal kita.
Huling sandali
Mahal kita.
Kung sa paglayo ko doon ka magiging masaya,
'Wag kang mag-alala gagawin ko na
Bibitawan,susukuan at lalayuan ka na
Sayo'y hindi na muling lalapit pa.
01/27/19
Ps.It is the last poem that I write for you!I hope you appreciate it and for the last time I love you!

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon