"Alam Ko"

10 3 1
                                    

Sa reply pa lang makikita mo na kung mahalaga ka.
Alam ko namang masaya ka na sapagkat siya ang iyong kasama.
Ramdam ko naman kung gusto akong kausap ng tao o hindi.
Hindi naman ako bulag para paniwalaan pa ang mali.
Hindi ko naman nais pang ipilit kung talagang ito'y mali.
Kahit na alam kong masaya ka na--
Huwag mo naman sanang balewalain ang aking pagpapahalaga.
Ramdam ko namang siya ang gusto mo't hindi ako.
Masaya lang talaga ako sapagkat ako'y kinakausap mo.
Masaya ako sapagkat kahit na papaano'y kinakausap ako ng taong mahal ko.
Alam ko namang kaibigan lang ako
At wala akong karapatang manumbat sayo...
Subalit pasensya ka na kung kahit na alam kong walang pag-asa,
Heto pa din ako't umaasa.
Nasaksihan ko kung gaano ka sumasaya kapag kasama mo siya.
Napagtanto kong bakit ipipilit pa ang sarili sayo kung alam ko namang masaya ka na.
Huwag kang mag-alala pagod na akong kulitin ka.
Magugulat ka na lang isang araw hindi na pangalan ko ang bubungad sayo
Kapag binuksan mo ang mga mensahe para sayo.
Wag kang mag-alala hindi na ako muli pang-aasa.
Ngayon pa lang kasing hanggang chat lang tayo nasasaktan na ako.
Bakit ba kasi minahal ko pa ang dapat na kachat lang.
Isa akong marupok na nilalang.
Huwag kang mag-alala hahayaan na kitang maging masaya sa piling niya.
Sa kwento niyo hindi ko naman nais na maging kontrabida,
Wag kang mag-alala pinapaubaya na kita sa kanya
Hindi ko naman nais pang maging ekstra sa kwentong binubuo ninyong dalawa,
Wag kang mag-alala sinusukuan na kita.
-Jrell Alberto Legaspi
September 18,2018

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon