"Binuo kita"-JennyRAL (Rose Alberto Legaspi)
Binuo kita
Noong winasak ka niya
Binuo kita
Noong iniwan ka niya
Binuo kita
Noong ipinagpalit ka niya sa iba
Binuo kita
Binuo kita
At bubuuin pa rin kitaKahit na ang sakit-sakit na.
Hindi ko nais ang sumbatan kapero tila may sariling isip na ang aking mga labi
At sinasambi't na ang nararamdamang pilit na ikinukubli ng mga ngiti.
Ako ang nanatili pero bakit hindi ako ang 'yong pinili.
Sa tuwing aalis ka hahayaan kitaAt sa tuwing wawasakin ka niya bubuuin kita.
Ako ang naging pansamantala mo
O' kung sasabihi'y pansamantanga mo.
Bakit ba sa kabila ng lahatpaulit-ulit ka pa ring bumabalik sa kanya?
Ako ang nasa tabi mo pero bakit siya pa rin ang nasa isip mo?
Nilamon ka na ba ng sistemang muling mamahalin ka niya?
Hindi ko inasahang sa paghupa pala ng ulan;
May ibang payong kangmas pipiling silungan.
Ako;ang bumuo sa nawasak mong mundo,
Subalit hindi pala ako;
ang makabubuo sa nawasak mong puso.
Buong oras ko inilaan ko na sayo,
Hinayaan ko na ringsayo umikot ang aking mundo.
Handa akong pumustasa pustahangalam koako ang dehado,
Handa akong ipaglaban ka kahit na alam kongsa umpisa pa langako na ang talo.
Binura ko ang lahat ng 'yong pangamba't pinalitan ko naman ng saya may kulang pa ba?
Bakit siya pa rin ang pinili mo?
Ano bang meron siya na wala ako?
Ganda ba?
Balingkinitang katawan ba?
Mukhang morena ba?
Pasensya na ako lang 'to.
Ako lang naman 'to.
Ako yung babaeng kung pipiliin mo hindi mo maipagmamalaki sa mga tropa mo--
Dahil ako lang naman 'to
Walang maipagmamalaki sayo.
Ako lang naman 'to.
Malabong maging katulad niya ako,
Dahil malayong malayo ang SIYA sa AKO.
Ano bang kailangang gawin ko para ako naman ang piliin mo?
Hindi ba't siya ang dahilankung bakit ka nasaktan?
Hindi ba't siya ang nang-iwan sayosa gitna ng ulan;
Napatulala ka pa nga noon sa kawalan;
Napayuko ka't ang mga mata mo'y luhaan.
Hindi ba't nagmukha ka nga noong basurang itinapon niya sa gitna ng daan?
At ako nama'y naging basurerong pinulot ka't pilit na binuo--
Pilit kitang binuo
Pinilit kang mabuo
Na habang ika'y nabubuo ako naman ang unti-unting winawasak mo.
Binuo kita,
Binuo kita,
Binuo kita!
pero sa huliako naman pala ang iiwan mo ng luhaan;
Sumasabay sa pag-iyak ang pagpatak ng ulan.
Ngayong nakikipagbalikan siya mas pinili mo akong iwan;
Para siya'y muling mahalin at balikan.
Ako ang bumuo sa'yo,
Samantalang ako naman ang winasak mo.
Binuo kita
Binuo kita
At dumating na nga sa puntong minahal na kita pero ang sabi mo'y patuloy ka pa 'ring aasa sa pagbabalik niya.
Oo tanggap ko na pero--
Binuo ba kita para ako naman ang wasakin mo?
Paano naman ako?
Sino ang bubuo sa nagkapira-piraso kong puso?
Sino ang bubuo sa nawasak kong mundo?
Ilang sermon,sigaw at batok na ang natamo pero bakit hindi pa rin magising sa katotohanang hindi ako ang mahal mo.
Sa ilang beses na nasasaktan ka dahil sa kanya hindi mo ba naiisip na mas nasasaktan ako?
Bakit kasi hindi na lang ako?
Kaya ko namang manatili sa tabi mo kahit na wasak na wasak na ako,
Kaya kong buuin ka sa tuwing winawasak niya ang puso mokahit na mas nadudurog ako.
Handa akong paulit-ulit na buuin ka pero sana kahit minsan sumagi naman sa isip mong manatili sa taong palaging nasa tabi mo.
Pakatatandaan mo na hindi ako isang bukas na tindahan na kapag may kailangan ka pupwede mong balikbalikan.
Binuo kita samantalang ako naman ang winasak mo.
Binuo kita pero bakit noong nabuo ka na ako'y nilisan mo na.

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
PoesíaChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖