12 3 0
                                        

"Walang Nagbago pero may Naglaho."

Kumapit ka ng mahigpit,
Hindi ko nanaising mawala'y ka kahit na saglit.
Kumapit ka ng mahigpit,
Hindi ba't mahal natin ang isa't-isa?
Kumapit ka ng mahigpit;
Mahal kita.
Kakapitan kita ng napaka-higpit.
Bakit hindi ko na nakikita ang kinang sayong mga mata?
Hindi ko na maramdaman ang saya sa tuwing tayo'y magkasama.
Kasama kita pero bakit pakiramdam ko nag-iba ka?
Magka-hiwalay tayo ng paaralang pinapasukan,
Hindi naman siguro iyon ang dahilan?
Hindi naman siguro maglalaho ang ating pag-iibigan.
Hawak-hawak ko ang kamay mo pero bakit pakiramdam ko ibang kamay ang hinahawakan ko?
Pakiramdam ko sa ibang tao.
Nanlalamig ka ba?
Saglit lang yayakapin kita!
Nakikiusap akong tumingin ka sa aking mga mata;
At sabihin mo ang mga salitang "Mahal kita",
Ako'y nagbabakasakaling mawala ang aking pangamba.
Pakiramdam ko'y mayroon ng lamat.
Hindi nga ako nagkakamali,
Hindi na nakakagulat,
Hinding-hindi ako nagkamali.
Kay bilis na ilang segundo,
Minuto lang ang kamay ko'y binitawan mo at ako'y tinalikuran mo.
Inakala kong walang magbabago
Pero mali;
wala ngang nagbago pero may naglaho.

-unedited

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon