"Bumalik ka na kailangan kita."
Bumalik ka na ngayong kailangan kita.
Bumalik ka na hindi ko pala kaya ang mag-isa.
Bumalik ka na sa mundo kong punong-puno ng pang-huhusga.Bumalik ka na ngayong ako'y nag-durusa sa sakit na aking nadarama.
Bumalik ka na ngayong pakiramdam ko ako'y iniwan nila ng mag-isa.Bumalik ka na hindi ko alam kung ako ba ay may makakapitan pa.
Kailangan kita,kailangan ko ang presensya mo.
Nais kong kahit ngayon lang manatili ka sa tabi ko.Hawakan mo ang mga kamay ko ng maramdaman kong may karamay ako.
Bumalik ka na kailangan kita ngayong nasasaktan ako ng sobra!
Bumalik ka na kailangan kitaNatatakot na akong muling mag-isa.
Sabay-sabay nila akong nilisan,
Kaya ngayon ako ay nasasaktan.
Bumalik ka na hindi ko na isusumbat pa na naging dahilan ka din ng aking pag-iyak.
Bumalik ka na para makaramdam naman ako ng pagkagalak.Bumalik ka na sawang sawa na akong umiyak
Pakiramdam ko puso ko ay wasak na wasak.
Mga taong inakala kong mananatili sa tabi ko hanggang sa pag tanda--
Ngayon nasaan na?
Naroon na sila masaya sa piling ng iba!Kahit pangalan ko tila hindi na nila maalala.
Siguro'y kapag hinintay kong sila ay mangamusta mamumuti na ang aking mga mata
Ngunit wala pa rin akong matatanggap na kamusta.
Bumalik ka na ayoko ng mag-isa.
Hindi ba't sinabi mo sa'kin noon na hindi mo hahayaang maramdaman kong ako'y nag-iisa?Puwes ngayon bumalik ka kailangan na kita.
Bumalik ka na para may makapitan pa ako kahit na isa.
Bumalik ka na ngayong ako'y iniwan na nila.
Bumalik ka na kahit na kaibigan na lang ang ituring natin sa isa't-isa.Bumalik ka na ngayong kailangang kailangan kita.
Bumalik ka na kailangan kita.
-Jrell Alberto Legaspi
•UNEDITED
July 29,2018

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
PoetryChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖