.

11 3 0
                                    

"Tumalikod nang hindi nalalaman ang sagot."
-JennyRAL/Slayerjrell_wp
Nagmumuni muni sa loob ng madilim na kwarto
Nakatulala sa 'yong litrato.
Gabi na pero hindi pa rin dinadalaw ng antok
Sinasariwa ang mga alaala nang minsan sa puso ikaw ay kumatok.
-
Nagtangka na pumasok
Lingid sa kaalaman ay malaya naman pala na makakapasok
Hindi na kinailangan pa na kumatok
Sapagkat hinayaan ka nang maging malaya sa pagpasok.
-
Hindi ipinahayag pero ipinaramdam
Ngunit lingid sa kaalaman ang pagpaparamdam
Sa isip ay hindi rumehistro
Hindi man lang naisip na bigyan ng motibo.
-
Bawat kilos na nag iiba pag dating sayo
Kapag nasisilayan na ang mga ngiti ay para bang natutulala na gago.
Kinakailangan pa ba na isigaw?
Subukang magbaliktanaw.
-
Sa kung paanong napapangiti kapag ikaw na ang kasama
Sa kung paanong kapag lumiliban ka sa klase sobra kung mag-alala.
Bigyan mo naman ng malisya
Hindi naman tama na panindigan mo ang maging manhid ka.
-
Nahulog na sayo
Subalit hindi mo sinalo
Mas pinaniwalaan ang nasa isip na hindi ikaw ang gusto
Kahit ang totoo ikaw lang naman talaga ang hinihintay ko.
-
Naglakad ka na papalayo
Hindi mo man lang naisip na sumubok
Tinahak ang daang hindi ko alam kung saan ang dulo.
Hindi mo sinubukang magtapat kaya hindi mo nabatid na ikaw ang itinitibok.
-
Hindi mo naisip na mag tanong mas pinili ang maging duwag.
Bakit hindi ka nagbakasakali?
Inakala na ang tyansang maging tayo ay maliwanag
Subalit mali,sapagkat hindi mo na ako nilingon nang magsimula ka nang maglakad kahit na sandali.
-
Umasa na baka naman pwede pa
Na baka naman sumagi pa sa isip mo ang lumingon.
Magbabakasakali na bumalik ka
At sa kalungkutan ay sabay tayong aahon.

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon