"Tanggapin"
-SlayerJrell_wp
'Wag mong sabihing bigla nalang kitang iniwan sa kawalan,
Dahil sa totoo lang;
Sinubukan naman kitang ipaglaban
Kahit pa ilang beses mo na akong sinaktan,
Kahit pa ilang beses mo na akong tinalikuran,
Kahit pa sa kabila ng mga kasalanan mo may lakas ka pa rin ng loob na makipagbalikan.
Ngunit sa tingin ko'y hindi na pumapayag ang kapalaran,
Sa maling pag-iibigan.
Bukod roo'y ikaw na mismo ang nagbigay ng dahilan;
Para ikaw ay tuluyan ko ng sukuan,iwasan at layuan.
Inakala ko noong mga bagay lang ang kumukupas;
Nagkamali ako dahil pati rin pala ang namamagitan sa ating dalawa maaaring lumipas.
Tanggapin na lang nating hindi tayo ang naka-tadhana;
Ang naka-tadhanang maging magkasama hanggang sa pagtanda.
May ibang nararapat sa iyo at may ibang mas karapat-dapat sa'kin.
Tanggapin na lang natin na kailangan na kitang bitawan;
Kahit pa hanggang ngayon ang ngalan mo pa rin ang sinisigaw ng aking damdamin.
Tanggapin na lang natin na may ibang nakalaan para sa atin.
May ibang nakalaan para bumuo ng ating araw;
At darating rin ang taong iyon balang araw.
-
Sj:Trivia sa sobrang bored ko bigla ko nalang naisulat to 20 minutes hahaha OO inorasan ko talaga baliw ako e👌

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
PoetryChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖