MIX

13 3 0
                                        

"Tunay"
-JennyRAL🛇
Kalungkutan ay pilit na ikinukubli
Mga pumapasok sa isip na mali ay pilit na iwinawaksi.
Pangungulila ay itinatanggi.
Saya'y hindi umaabot sa mga mata kahit pa nakangiti.
Kung tunay ka na kaibigan mababakas mo ang totoo sa kanyang mga mata;
Ngunit kung isa ka sa kanyang kakilala paniniwalaan mong masaya siya.

Tao ang pumipili ng taong bibigyang pansin samantalang puso naman ang pumipili ng taong mamahalin at karaniwa'y ang pinipili pa nito ay ang taong madalas nating bigyan ng pansin.
Malas mo nalang kung ang pipiliin ng puso mo ay ang taong hindi ka binibigyan ng pansin kahit na katiting.
-JennyRAL⚘April,2019

Tumatangis ang kalangitan
Patuloy ang pagkaubos ng mga kagubatan
Napapalitan ng mga gusali at kabahayan.
Pagdating ng araw ano nga kaya ang ating kahihinatnan?
-JennyRAL⚘May,2019

Stop acting strong pretending to be okay is wrong.
Let your self reveal
What you really feel.
Just let out those tears
Let it fall down to your cheeks.
-JennyRAL✔
•1🚫

Lahat ng taong ginagawa kong paksa sa tula
Sa buhay ko'y nawawala
Mayroon nga bang sumpa
Na pagkatapos alayan ng tula bigla nalang mawawala.

O' baka naman sa umpisa pa lang talaga iyon na ang nakatadhana
Ang gawin silang inspirasyon sa bawat masasakit na akda.
-JennyRAL💙

"Pag Laya"

-JennyRAL
Tila ba nagpupumilit na ikulong ang sarili sa hawla
Sa hawla ng mga alaala.
Nakakulong pa rin sa kahapon 
Kahapon na kung pwede lang ay uulitin at babalikan kong muli ngayon
Hindi magsasawa na balik balikan
Tatanggapin lahat ng sakit sa paulit-ulit na pag sariwa sa nakaraan
Hindi matatakot na masaktan
Kung ikaw naman ang magiging dahilan.
Ngunit marahil ay mali na nga kung hahayaan--
Na maiwan na lang ako sa ating nakaraan.
Ikaw ang dahilan kung bakit nasaktan
at kung ipipilit pa na ikaw ang makabubuo sa pusong na sugatan;
Marahil labis na itong kahangalan
Sapagkat gustuhin ko man ay hindi na ito maaari,
Hayaan mo na ibang tao na ang maging dahilan ng aking pag ngiti.
Makikiusap na huwag ka munang magparamdam
Upang mapawi ang pagdadamdam.
Palalayain ang sarili
Hahayaang ang sakit ay mapawi
at sa aking pagbalik--
marahil naglaho na ang sakit.





Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon