"Ang bilis mo."
Uy Ex?
Kumusta?
Balita ko may bago ka na?
Kumusta naman parang kahapon lang may tayo pa,
Tapos ngayon mababalitaan ko nalang na may iba ka na.
Parang kahapon lang hawak pa kita,
Ngayon hawak ka na niya.
Parang kahapon lang kayakap pa kita
Tapos ngayon kayakap mo na siya.
Parang kahapon lang sinabi mong "MAHAL KITA"
Tapos ngayon may iba ka na.
Ang bilis mo naman yata.
Nagmamadali ka ba?
May lakad ka ba?
Nakakatawang isipin na hindi mo man lang hinintay na makalimot ako!
Aminado akong umaasa akong may maibabalik pa...
Subalit ng mabalitaan kong may iba ka na--
'Tila ba malakas akong sinampal ng reyalidad na wala na,
Na talagang ako ay kinalimutan mo na,
Na ang relasyon natin tinalikuran mo na.
Yung babaeng dating pinagseselosan ko
Ngayon nobya mo na!
Tamang hinala ba talaga?
Wala na ang dating pag-sinta,
Wala na ang pagmamahal mo,
Wala na ang dating IKAW at AKO.
Wala nang TAYO.
Ampalaya ko naman ba sobra.
'Wag ka ng magtaka nasaktan mo ako ng sobra!
Yung tipong pag tinitignan kita
Mapapatawa na lang ako ng mapakla.
Ang sakit kasi talaga
Yung makita kitang masaya kasama ng iba,
Yung makita kong ang dating kamay mong palagi kong hawak ay hawak na ng iba.
Nagmamadali ka nga siguro talaga.
Nais mo na ba talaga ang palayain kita?
Mukha rin akong tanga
tinatanong ko pa
Kahit ang sagot nasa harapan ko na.
Nagmamadali ka nga.
Sige lang,hahayaan na kita at pauunahin na kita.
Kung mas sasaya ka sa piling niya
Hahayaan kita.
Diyan ka naman masaya hindi ba?
Ang iwan ako?
Ang bilis mo!
Yung tipong napatulala na lang ako sa kawalan habang may tumutulong luha sa mga mata ko.
Nang mabalitaan ko na pinalitan mo na Ako,
At 'yong pinalit mo ay yung dating pinagseselosan ko.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
PuisiChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖