HUWAG SIYA

16 3 0
                                        

"Huwag Siya"
-JennyRAL💎
'Wag magaalinlangang magmahal
ng isang makata.
Maniwala ka,
sa piling niya ay magiging masaya ka
Ang kailangan niya lang ay ang pagmamahal mo,
at tiwala.
Maniwala ka
sa piling niya liligaya ka--
Hindi ka niya hahayaang masaktan
Sapagkat alam na alam na niya ang pakiramdam ng nasasaktan.
Iingatan ka niya
kaya sana huwag mo siyang iiwan.
Araw-araw,
aalayan ka niya ng mga
matatalinhaga't matamis na salita
Iingatan ka niya
na para bang isang kang bagay na babasagin
Buong puso ka niyang mamahalin;
Kaya maniwala ka
kapag isang makata ang minahal mo
magiging masaya ka--
hindi niya hahayaang ang 'yong mga mata ay lumuha
Matatakot at mangangamba siya,
na baka isang araw ikaw ay mawala sa kanya
Kaya sana kung makata ang mamahalin mo iparamdam mo sa kanya na siya ang kalahati
ng mundo mo.
Oo kalahati lang ng mundo mo sapagkat alam naman niya ang dapat niyang maging lugar sa iyo.
Alam niyang hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo kaya kuntento na siya sa kung anong ipararamdam mo.
Ikaw ang gagawin niyang paksa
sa bawat mga akda.
Ipagyayabang na may ikaw
Ipagyayabang na ang bawat pagngiti ang dahilan ay ikaw.
Ngunit kung laro lang ang hanap mo
'Wag magkakamali na isang makata ang pipiliin mo
Hindi mo gugustuhin ang bawat patama niya para sa iyo
Na sa bawat tulang ilalathala niya ikaw pa rin ang paksa
Ngunit hindi na katulad noong una.
Hindi na katulad noong una na nagpapasalamat siya na dumating ka.
Hindi na katulad noong una na ipinagyayabang ka niya sa bawat kaibigan at kakilala.
Kung isang laro lang pala ang hanap mo sa una pa lang huwag isang makata ang biktimahin mo
Sapagkat hindi mo gugustuhin kapag siya ang nakipaglaro sa iyo.

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon