"KARAKAS MO."

12 3 0
                                    


"Karakas Mo"
Ni: JennyRAL(JennyROSEALBERTOLEGASPI)

Naakit sa'yong
mapupulang mga labi.
Nadagit mo ang puso ko
sa matamis mong pag ngiti.
Ngunit ginoo,
kung laro ang hanap ng isang katulad mo
Siguraduhin mong
hindi katulad ko;
Ang bibiktimahin mo.
Maniwala ka man o hindi
Kabisado ko na
ang karakas mo.
Ngingiti ng nakabibighani
Gigisingin ang pusong nananahimik
Mga galawang hokage.
Maniwala ka gasgas na ang karakas mo
Mahilig manakit ng
babae.
Kapag malalim na
ang nararamdaman sayo
Ang babae'y
iiwan mo lang sa ere.
Idadaan sa mga salitang nakakakilig
Siya namang si tanga
ay aalayan ka ng tunay na pag-ibig.
Kung ako ang napili mong biktima
Siguraduhin mong
hindi ikaw ang
matatalo sa dulo.
Uulitin ko
kabisado ko na ang karakas mo.
Sa larong nais
mong umpisahan--
Nakasisiguro ka ba
Na hindi ikaw
ang masasaktan at maiiwang luhaan.
Uulitin ko
sa pangatlong pagkakataon
Kabisado ko na ang karakas mo.
Hindi rin tama na
magpakasasa
At magpatuloy sa
paglalaro't pagpapaasa.

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon