"Nanlamig,Lumamig"

10 2 0
                                    


-JennyRAL
#Filipinospokenword
Ang nararamdaman
kapag binabalewala,
nawawal­a.
Mga katamisa'y hindi inaasahang 
bigla nalang na magiging
matabang.
Hindi na katulad noong una
na walang mapagsidlan ng tamis.
Heto na nga't humantong na tayo
rito sa punto na 
pinaka ayoko.
Nawalan na ng gana
Hindi na katulad
noong umpisa.
Sa hindi inaasahang pagkakataon 
Mga pag-uusap ay 
wala ng saya at sigla tulad noon
Kislap sa mga mata 
ay naglaho.
Pangako na hindi magbabago 
ay napako.
Lamang na yung
lamig sa init
At 'yon ang masakit.
Nang sumapit ang gabi 
muling nakaramdam ng init
Nakaramdam muli ng kilig.
Kinabukasa'y bigla na 
namang lumamig
Bigla ka na namang 
nanlamig.
Maaari ba na bumalik 
tayo sa umpisa?
Noong sa mga bawat 
kwento ko ay
interesado ka pa
Noong hindi pa ako 
interesado na makausap ka.
Ibalik mo nalang ako 
sa umpisa
Noong hindi ko pa
binubuksan ang pinto
para makapasok ka
Sa umpisa noong
hindi pa kita
binibigyan ng importansya.
Noong hindi pa ako umaasa.

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon