"IKAW"Puso'y unti-unting nawawalan ng kulay
Dahil sa mga taong ginawa kong buhay.
Ikaw na nga kaya ang hinihintay
Sapagkat nangangawit na sa sobrang tagal na nahimlay.Ikaw na ba ang sasagit sa pusong napapagod na?
Ikaw na nga ba ang prinsepeng sasagip sa katulad kong tanga na prinsesa.Ikaw yung prinsepeng walang utusan,
Ikaw yung prinsepeng walang kaharian,
Ikaw yung prinsepeng ayos lang kahit na mahirapan,
Ngunit ikaw yung prinsepeng may nakakabighaning kakisigan,
Kaya't nakakahumalingan,
-
Kung ang puso ay hindi mo sasaktan
Bubuksan ko na ang pinto para ang pagmamahalan ay atin ng umpisahan.Kahit ako'y walang kayamanan,
Hinding hindi naman kita pababayaan,
Kahit ano pang pagsubok ang dumaan,
Hahawakan ko ang iyong mga kamay
At sasamahan ka na mabuhay habang buhay.____
"Dating mayroong ikaw at ako"
Kung babalikan at iisipin pa ang mga ala-ala nang nakaraan
Babalik na naman ako sa pagiging marupok at paulit-ulit na namang masasaktan.
Siguro kung sasabihin ko sayong "p'wede bang tayo na lang ulit mahal?"
ay hindi di ka na papayag
Siguro kung sasabihin ko sa'yong mahal na mahal pa rin kita ay baka 'di mo na pakinggan.
Ang mga katagang paulit-ulit kong gustong sabihin sayo ngunit natatameme ako kapag ikaw na ay nasa harapan ko.Siguro huli na at tapos na ang k'wento nating dalawa.
Nais ko nang takbuhan at kalimutan ang mga alaala ng nakaraan
Gusto ko nang tapusin kung anong meron tayo pero itong puso ko'y nais pa na manatili
Kahit na na alam ko namang ang patuloy na manatili ay mali.

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
PoetryChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖