1st realistic poetry

15 3 1
                                    


"Hindi kaya nasarapan ka, kaya noong una hindi ka lumapit sa pulisya?"
"Ginusto mo rin siguro kaya hindi ka nagsumbong sa mga tao."
Ilang lintanya na sinabi sa'kin mismo ng abogado.
Abogado ng taong yumurak at sa pagkatao ko'y hindi rumespeto.
Bakit nga ba hindi ako nagsumbong?
Bakit nga ba hindi ako nagsalita?
Bakit nga ba hinayaan ko siyang ipagpatuloy ang kahalayan niya?
Bakit nga ba nakakaputangina?!
Sa totoo lang gustong gusto kong magsumbong
Gustong gusto kong magwala!
Nang araw na iyon ay gustong gusto ko ng wakasan ang buhay niya
Pero hindi ko nagawa sapagkat alam kong kapag ginawa ko ang bagay na 'yon ako ang magmumukhang masama
Kahit sa totoo lang ako ang biktima!
Ako ang biktima pero bakit parang ako pa ang nagkasala?
Sabihin niyo ng duwag ako sa hindi ko pagsasalita sa mga kababuyang naranasan ko
Pero teka?
Bakit nga ba naging tikom ang bibig ko
Naging tikom ang bibig ko dahil sa takot na baka totohanin niya ang mga katagang sinabi niya habang yinuyurakan niya ang pagkatao ko.
"Kapag nagsumbong ka papatayin ko si tita" 
Natakot akong baka gawin niya ang bagay na 'yon
Ang gahasain niya nga ang sarili niyang pinsan walang pag aalinlangan niyang ginawa
Paano pa kaya ang bagay na 'yon?
Oo
Takot pa rin ako na mawala ang aking ina kahit na sa paningin niya ay isang tanga lang ako.
Mas naging tikom ang bibig ko sapagkat walang nagtanong 
Walang nagkaroon ng pake
Kung bakit nga ba bigla akong nanahimik.
Wala! 
wala! 
putangina.
Parang mawawala na ako sa sarili ng mga oras na 'yon pero walang naglaan ng oras para makinig sa lahat ng mga hinaing.
Nang mga oras na iyon ay gusto ko ng itarak sa pulso ang kutsilyong hawak ko dahil sa mga problemang hindi ko dapat sinasarili.

Hindi ko magawang magsumbong kahit pa sa mga barkada ko
Ayokong mahusgahan ng mga pinahahalagahan kong tao.
Ngumingiti at nakikipagbiruan sa harapan nila pero sa totoo lang nadudurog ako
At mas nadudurog pa lalo ang pagkatao ko sa tuwing iisipin ko na lalayuan ako ng mga pinahahalagahan kong tao.

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon