Naaalala ko pa noong una kitang nakita;
Nakatayo ka sa isang kalyeng malapit sa bahay namin,
tila ba may hinihintay ka na kay tagal kung dumating
sapagkat mababakas ang pagka inip sa maamo mong mukha.Simula ng araw na iyon hindi na naiwaglit ang imahe mo sa isipan
Na para bang sa ilang minutong nasilayan ka ng mga mata ika'y labis nang napusuan.Hindi ko alam kung ano bang mayroon sa iyo
para sa sandaling nasilayan ka ay nabihag ako.Sa hindi inaasahang pagkakataon nakatabi kita nang sumakay sa tricycle
Na para bang binibiro ako ni tadhana;
Hindi ko nagawang makapag salita,
ang tanging naging kilos ay tinitigan ang kabuuan ng iyong mukha—
Na para bang nahihibang.Bagamat natulala at hindi nakapagsalita
Lumingon ka sabay tanong ng—
"Ah miss,may dumi ba ako sa mukha?"
Nang oras na iyon,
tila lalo lamang akong natulala at sa bibig ay walang lumabas kahit ni isang salita.Batid kong nang mga oras na iyon labis akong nagmukhang tanga sa harapan mo
ngunit ano nga ba ang magagawa ko e ang lakas ng mahika mo.

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
PuisiChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖