"SINTAS"

10 3 0
                                    

"Sintas"
Ni: JennyRAL

Mga alaalang lumipas naaalala ko nang madalas
Yung mga araw na parang tayo yaong nasa palabas
Ako yung kung tatawagin ay knight in shining armor mong tagapagligtas--
At ikaw naman iyong prinsesang lampa na hindi pa marunong mag sintas.
-
O' kay dalas pangalan mo'y naaalala
Hinahanap-hanap ka ng mga mata
Nais ka nang makita at makasama
Mga ala-alang kasama ka palaging tumatakbo sa memorya.
-
O' madalas sa tuwing ako'y nagsisintas
Naaalala ko yaong pagtatali ko sayong buhok ng tirintas.
Parang tangang mangingiti at bigla nalang susulat ng kung ano.
Katulad lang nang dati na sa lahat ng mga isinusulat ko ang mga bida ay ikaw at ako.
-
Tila ba ilang balde na ng luha kung iipunin ang inilabas
Sa tuwing inaalala ang mga panahong nakalipas.
Kung maaari lang sanang ibalik ang oras
Kung bibigyan lang ng pagkakatao'y bibigyan ko ng hustisya ang ating wakas.

Photo crdts. WeGotMarried SungJoy ep 314

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon