"Binuo kita 2.0"
Binuo kita--
pero bakit noong nabuo ka na
ako'y nilisan mo na.
Narito ka sa dati nating tagpuan
Mga mata mo'y pulang pula marahil dahil sa sakit na iyong nararamdaman;
Puso mo ba'y dinurog at sinugatan
Ng taong mas pinili mong mahalin nang ako'y iyong tinalikuran?Iniwan ka na naman ba niya ng sugatan
Muli ka namang iniwang luhaan
at narito ka para muling mabuo
subalit hindi mo ba natatandaan ang linyang tinuran ko noong gabing tinalikuran mo ako na-- hindi ako isang tindahan na maaari mong balik-balikan kapag kinakailangan.Ilang beses kitang tinanong
Hinila kita sa pag ka-wasak paahon
Kaya ang nangyari ako'y sa lungkot naibaon
Pilit kitang binuo noon
kahit mas nawawasak ako
kahit na labis na ang sakit nanatili ako
subalit hindi ako manhid para balewalain ang lahat.Pasensya,ngayong bumabalik ka na
pagmamahal sayo'y hindi ko na matagpuan pa
Nalipasan na ng panahon
Tuluyan nang ibinaon sa limot at iniwan sa kahapon
Ngayon ay masaya na ako at nakaahon
Nakaahon sa pagkadurog sa dahilang hindi pinili--
ng taong mas minahal kaysa sa sarili.
-JennyRAL
#Kolektibokalimbahin
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
PuisiChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖