-3-

6 2 0
                                    

Hindi inalintana
kung gaano karami ang mga tao nang gabing iyon
Tanging tumatak sa isip
ay ang makapagtanghal
Mailabas ang mga salita
sa pamamagitan ng pagtula
at sa totoo lang ay marahil
makapanakit na rin nang mga tagapakinig at dumamay sa bawat hinaing.
Sa pamamagitan ng tulang inilalahad
Nailalabas ang mga salitang nakakubli
Hindi masabi-sabi
Hindi pinansin ang pagtitig mong pakiramdam ko'y natutunaw na ako
Walang pag aalinlangan kang lumapit
at nang puntong iyon
tila ba tumigil ang oras
Nagpakilala ka at inilahad mo ang iyong mga kamay
Ang lambot.
Hindi mawari pero ang saya na nararamdaman dahil natapos sa pagtatanghal
ay napantayan nang saya na nilapitan ako ng taong nakabihag sa aking mga mata nang gabing iyon.

Mga Tula Ng PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon