"Kaibigan o Ka-ibigan."
-JennyRALKaibigan nga lang ba o ang totoo'y kasintahan?
Kaibigan o ka-ibigan--
iyan ang tanong ng karamihan.
Ika tutuwa raw nila kapag kaming dalawa ng matalik na kaibigan ay magkakatuluyan.
Tila raw kasi may kuryenteng namamagitan
Sa tuwing magdidikit o mag kasama ay napupuno ng kantyawan.
Ano nga ba talaga--
Kaibigan o ka-ibigan?
Sa totoo lang sa aming dalawa ay wala naman talagang namamagitan
Ika nga hindi kami talo
at 'yon ang totoo.
Sabihin na natin na mayroon ngang kuryenteng namamagitan--
sa tuwing mag kasama at mag katabi
Sa bawat kilos namin sa isa't isa kaagad na binibigyan ng mga nakapaligid ng kahulugan.
Hindi ba pupwede na sa ganoon lang talaga kami kumportable?
Sabihin na natin na oo nga't possible
hindi niyo naman iyon masasabe
kaya maninindigan ako sa inyo na kailan man hindi iyon mangyayare.
Iba ang kaibigan sa ka-ibigan at iyon sana ang inyong pakatatandaan.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
PoesíaChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖