"Lingunin mo naman Ako hindi bilang kaibigan kun'di nag mamahal sa'yo."
Sa mga tala sa kalangitan Ako'y humihiling,
Hinihiling ang araw na hindi ko alam kung darating.
Ilang taon man ang lumipas
Subalit sa'yo hindi ko nagawang umiwas
Sa tuwing kasama kita hinihiling kong huminto ang oras
Nag hihintay ako ng isang milagro na baka isang araw magising
Ako,
na Ako na ang laman ng puso mo.
Habang tuma-tagal mas lalo kitang minamahal
'Pag kasama kita pakiramdam ko ang bilis ng takbo ng oras imbis na mabagal Hindi mo lang alam ikaw ang dahilan ng pag-ngiti ko,
Ikaw ang inspirasyon ko
Naghahanap ka ng nobya?
Bakit tumitingin ka pa sa iba?
Sa gayong Ako ay nasa tabi mo na?
Ramdam mo naman siguro ang aking presensya
Dahil Ako nga di'ba ang takbuhan mo sa tuwing nasasaktan ka?
Subalit naisip mo ba ang nararamdaman ko sa tuwing nasa tabi kita at sinasabi mong nasasaktan ka?
Sana alam mong mas nasasaktan Ako sa tuwing nasasaktan ka.
Ako ang nag silbing sandalan mo
Damit ko ang nag silbing panyo mo.
Maari bang ako na lang ang mahalin mo?
Ipinapangako kong hindi ko wawasakin ang puso mo tulad ng ginawa niya sayo,
Sabagay paano mo nga naman malalaman na mahal kita?
Hindi ko pa nga pala inaaming ikaw ang mahal ko,sinta.
Pinangungunahan Ako ng takot at kaba
Sa tuwing pumapasok sa isipan ko ang umamin na
Natatakot Ako na baka umiwas ka
Natatakot Ako na baka kapag umamin na Ako ang maging sagot mo hanggang kaibigan lang Ako. Subalit hindi ko naman na kailangan pang-amining mahal kita
Hindi mo pa ba ramdam sa mga kilos ko pag dating sa'yo sinta?
Sa tuwing kasama natin ang iba pa nating kaibigan at ikaw ang kaharap ko Hindi mo ba napapansin na sa'yo naka-tutok ang buong atensyon ko?
Kung sasabihin mong ang nararamdaman ko ay kalimutan ko na
Pasensya na subalit sinubukan ko na
Ikaw pa rin talaga
Para malaman mo pansinin mo naman ang kilos ko pag dating sa'yo
Kung paano Ako napapa-ngiti sa tuwing naririnig ko ang pangalan mo.
Bigyan mo naman ng malisya ang mga ginagawa ko!
Kailan mo ba malalamang ikaw ang gusto ko?
Kailan mo ba malalamang nasasaktan Ako 'Pag babae ang bukam-bibig mo Naghihintay Ako na dumating ang araw na malaman mong Ikaw ang hinihintay ko,
Malaman mo sanang Ikaw ang tinutukoy ko dito sa tulang ito
Matagal na tayong mag kakilala subalit bakit parang hindi mo pa Ako talagang kilala?
Hindi mo pa ramdam na ikaw ang tinitibok ng puso ko,sinta.
Lingunin mo naman Ako.
Lingunin mo naman Ako hindi bilang kaibigan kun'di nagmamahal sa'yo.
#SLAYERJRELLPOEMS

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
PoetryChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖