"Mahal pa rin kita,pero hindi ko na nais ang bumalik ka"
-JennyRAL/Slayerjrell_wpNangungulila sa mga titig na dati'y kinaiilangan,
Nangungulila sa nangungusap na mga mata,
Pati na rin sa init ng iyong katawan na dati ay hilig kong hinahagkan,
Nangungulila,sa mga banat mo na sa puso'y hindi nagpapakalma,
Labis nang nangungulila sa taong dahilan ng pagbabago.Nakakapang-hina na nangungulila pa rin sa tao na wala namang ibang ginawa kun'di paluhain ang puso,
Aminadong hanggang ngayon presensya mo pa rin ang hinahanap-hanap ko.
Ano nga bang mayroon ka sapagka't higit na pinipili pa rin kita kaysa sa kanila?
Nangungulila ako sa pabango mong matapang;
na minsan ko ring naging paborito.
Nangungulila,sa mga oras na ako pa ang binibini mo.Tila ba naadik sa ipinagbabawal na gamot
na kahit nakakasama ay nais ko pa rin ipagdamot.
Nangungulila ako oo,pero hindi ko hinihiling ang pagbalik mo.
Hindi tama na bumalik pa sa buhay ko
ang naging dahilan nang labis na pagka durog ko.Kung babalik ka bakit--
para ba saktan muli ako dahil sa nakikita mong tila masaya na akong wala ka sa buhay ko?
Mali na 'yon dahil hindi naman talaga masaya ang buhay ko na wala ka,
kahit na ang dulot mo lang naman ay sakit.Batid ko na natakot ka lang noon kaya tinalikuran mo ako,
Na naduwag ka lang na hindi mo magampanan ang parte mo
pero hindi iyon sapat na dahilan para tanggapin kita muli,
sabi nga ng iba 'kung balak ng tao na iwan ka,maiiwan at maiiwan ka sa huli'.Hindi dapat ako magkaroon ng tulad mo na hindi ako kayang mahalin ng buong buo.
Nababatid ko ang mga pagpaparamdam mo't aminado rin naman ako na may epekto ka pa rin sa sistema,
Ngunit mas dapat nang sa puntong ito balewalain ang taong minsang naging dahilan ng liwanag sa buhay ko.
Mali ang mag hintay pa rin sa taong tinalikuran ka dahil hindi na sigurado sayo.Mahal pa rin kita sobra,
pero hindi na tama na kapag bumalik ka ay tatanggapin pa rin kita;
sapagkat bumalik ka man hindi na mawawala ang lamat sa pusong sinaktan.
#FilipinoSpokenWord

BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pagmamahal
PuisiChapter by chapter you'll see how I improved my writing skills.Hope you enjoy and like reading it!💖